Friday , November 22 2024

Grace Poe humahataw, Jojo Binay dumadausdos

00 Bulabugin jerry yap jsySA dalawang magkasunod na survey (Pulse Asia at Magdalo) nangunguna si Senadora Grace Poe pangalawa lamang si Vice President Jejomar Binay para sa presidential race.

Sabi nga, nakabawi na si Grace.

Isang magandang senyales sa kanyang karera lalo sa pagsisimula ng kampanya.

Kay Grace literal na nangyari ‘yung pagbuhos ng simpatiya.

Mahirap talaging apihin o pagtulungan ang isang babae. Ayaw ng kulturang Pinoy ‘yan.

Bukod sa pagiging relihiyoso, ang mga Pinoy ay likas na mahilig kumampi sa kung sino ang naaapi. Kung sino ang underdog.

Dahil sa tila sabwatan ng ilang grupo na naghahangad ma-disqualified si Sen. Grace, lalong nagkaisa ang taong bayan para siya ay kilingan.

Kaya sa kanilang kick-off rally, dinumog sila ng kanyang supporters sa Plaza Miranda.

Si VP Binay naman pinili ang Mandaluyong City na maging lunsaran ng kanyang kandidatura.

Kung tutuusin, mas matindi ang ‘pang-aaping’ ginawa kay Binay. Para siyang si dating Sen. Manny Villar na malayo pa ang halalan ay inupakan na sa isyu ng korupsiyon.

Ilang taon nang ibinabaon ang kanyang pamilya sa isyung nagtatamasa sila at yumaman sa mga kickback at patong sa iba’t ibang proyektong impraestruktura ng local government.

Pero dahil lalaki, hirap na hirap makahamig ng simpatiya si VP Binay.

‘Yan po ang kultura nating mga Filipino.

Kaya hindi na nakapagtataka na sa dalawang survey ay nangunguna si Sen. Grace.

Isa din siguro sa dahilan ‘yan kung bakit tila ‘lumamig’ ang Supreme Court sa isyu ng disqualification laban kay Sen. Grace.

Biglang kumupad ang Korte Suprema at tila, sabi nga ‘e nawalan ng ‘sense of urgency.’   

Mukhang ayaw din ng SC na maging instrumento sila ng kung saka-sakali ay ‘historical distortion.’

Mas hahayaan siguro ng SC na magdesisyon ang mamamayan…

Sabi nga ‘e, vox populi vox dei.

MPD official yumaman sa lubog-lespu?!

Sa loob lamang ng  isang taong panunungkulan ng isang opisyal ng Manila Police District (MPD) ay bigla na umanong yumaman dahil sa pagtanggap ng ‘timbre’ sa mga pulis na nakalubog o ‘yung tinatawag na ghost cops.

Kumikita raw ang opisyal ng Manila Police District  sa bawat lespung nakalubog sa DPSB, sa police stations at sa Police Community Precinct (PCP)  ng pitong libong piso (P7,000) kada ghost cop.

Kaya naman sa loob lang ng isang taon ay milyonaryo na ang nasabing opisyal ng MPD sa pagtanggap ng timbre sa mga nakalubog na lespu?!

What the fact Gen. Rolly Nana?!

Umaabot umano sa tatlong daang lespu ang nakalubog sa bakuran ng MPD at hanggang ngayon ay nagtataingang kawali lang ang opisyal kahit ipinag-uutos na ng PNP Chief ang paglutang ng mga lespung lubog.

Kaya hindi nakapagtataka kung mataas pa rin ang krimen at laganap ang patayan sa lungsod ng Maynila.

Pati mga babae ay pinapatay sa kalye dahil wala o kulang ang pulis na tumutupad sa programang police visibility ni PNP chief, Dir. Gen. Marquez.

At para lang mapagtakpan ang kakulangan sa pulis sa kalye, ang mga pulis na OFFICER JOB TRAINING (OJT) ang ipinakakalat ng ilang police station commanders.

PNP-NCRPO director Gen. Joel Pagdilao, hindi pa ba ninyo uumpisahan na imbentaryohin ang mga pulis sa Maynila?!

Aksiyon Mr. RD! 

Pokpokan Club sa Las Piñas 

MALAKASAN ngayon ang mga KTV cum pokpokan club sa Las Piñas.

Kapansin-pansin na tila kabuteng nagsulputan ang mga club na ito sa kahabaan ng Alabang-Zapote Road.

Lantaran na nga raw ang mga sin club na may mga babaeng nakasuot sexy sa entrance ng club na kumakaway sa mga maiinit na customer. 

Gaya ng KABALYERO club na ‘matik na may dalawang bote ng beer sa halagang mahigit P200 entrance fee para makapanood ng all-the-way show sa loob nito.

Kitang-kita ang mga babaeng halos wala nang saplot sa katawan na sumasayaw at ibi-nubuka ang kanilang bulaklak sa mga parokyano nila.

Karamihan sa mga nagkalat na club ay may kakaibang extra-service sa kanilang VIP rooms.

Naniniwala ang mga taga-Las Piñas na hindi maglalakas loob ang nasabing mga club na mag-offer ng  sex-for-pay kung hindi timbrado sa Las Piñas PNP?!

Ano kaya ang masasabi ni Las Piñas PNP chief Kernel JEMAR MODEQUILLO sa mga pokpokan club sa kanyang teritoryo?!

May kakaibang ‘masahe’ sa Soprano Spa

ISA sa mga dinudumog ngayon na spakol ‘este’ SPA sa T. Morato Ave., Quezon City ay ang Soprano SPA.

May kakaibang gimik raw kasi ang serbisyong ibinibigay sa kanilang customer.

Hindi lang pantanggal ng sakit ng katawan kundi manghihina pa raw matapos matikman ang kakaibang serbisyo ng mga masahista nila?!

Baka ‘yung iba nga, wala nang masahe, kundi EXTRA SERVICE agad.

QC Mayor Bistek Bautista, pakipapasyalan nga sa mga tao mo ang Soprano SPA at nang matikman rin nila ang masarap at kakaibang serbisyo ng mga babaeng masahista!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *