Friday , November 15 2024

Barangay chairman sa Isabela itinumba (Tumanggi sa alok na pera)

CAUAYAN CITY, Isabela – Patay ang kapitan ng Brgy. Rumang-ay, Echague, Isabela, makaraan tambangan dakong 9 a.m. kahapon.

Ang biktima ay si Punong Barangay Nestor Medina, 51-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Patungo sana ang biktima sa pulong ng Liga ng mga Barangay (LMB) sa bayan ng Echague nang siya ay tambangan at pinagbabaril.

Siya ay kilalang tagasuporta ng kasalukuyang alkalde ng Echague na si Mayor Melinda Kiat.

Inihayag ni Oblesa Medina Agustin, anak ng kapitan, nag-alok ng pera si LMB President Kiko Dy ngunit tinanggihan ng kanyang ama.

Si Kiko Dy ay anak ni Governor Bojie Dy ng Isabela at tumatakbong mayor sa bayan ng Echague, Isabela.

Sa kabilang dako, tumangging magbigay ng pahayag si LMB President Dy kaugnay sa pahayag ng anak ng biktima.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *