Monday , December 23 2024

Buti pa ang airport taxi driver honest hindi katulad ng ibang opisyal diyan

ISANG airport taxi driver ang nag-turnover sa airport police ng isang blue pouch na may lamang US$ 1,600 cash at wallet na naiwan ng kanyang pasahero na sumakay sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 noong Sabado ng hapon (Pebrero 6, 2016).

Kinilala ang driver na si Anthony Masa, 37 years old, driver ng Jorivim Transport Services (fixed rates) isa sa mga transport concessionaire sa NAIA terminal 1.

Noong Sabado na iyon, isang lalaking overseas Filipino worker (OFW) mula sa Middle East ang sumakay sa kanyang taxi hanggang Coastal Mall sa Pasay City dakong 4 pm.

Matapos ibaba ni Masa ang OFW, sumakay naman ang mag-asawang dayuhan at nagpapahatid sa NAIA terminal 3.

Habang papunta sa NAIA 3, nagkaroon ng pagtatalo ang mag-asawa at nagpababa ang lalaki sa  Tramo at ang babae ay sa terminal 3.

Nang bumaba ang babae, napansin niya ang black tablet at blue pouch sa back seat kaya agad niyang tinawag ang babaeng dayuhan.

Pero ang tablet lang ang kinuha ng babae at sinabing, “the pouch is not ours.”

Agad ibinalik ni Masa sa NAIA terminal 1 at tinawag ang kanyang area manager para maging saksi sa pagsosoli niya ng pouch sa airport police.

Binuksan ng Airport police ang pouch at nakita ang laman na US$1,600 cash at wallet.

Nakita rin ang identification ng may-ari kaya agad nilang tinawagan.

Sa madaling salita, naisoli sa OFW ang kanyang pouch.

Buti pa ang Airport taxi driver at iba pang workers nagsosoli ng mga bagay na hindi sa kanila.

‘E ‘yung ibang opisyal diyan, hindi na nagsosoli, nambubulsa pa.

Nagpapanggap na masugid na tagasunod ng ‘Daang Matuwid’ pero milyon-milyon ang ibinubulsa.           

Hindi na nakapagtataka kung sa pagtatapos ng kanilang termino ay namumunini na sila sa pambubulsa.

Hintayin ninyo ang inyong karma!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *