Monday , December 23 2024

Ang matulain at napakatatas managalog na si Chiz hindi alam kung sino ang Ama ng Wikang Filipino

chizKUNG hindi lampas, kapos!

‘Yan ang madalas sabihin ng matatanda sa mga batang laging palpak.

Kumbaga, walang SAKTO!

Kagaya ni Senator Chiz Escudero. Siya ay nakilala at natandaan ng publiko dahil sa matatas at tila tumula-tulang pagsasalita sa wikang Filipino.

Bihira siyang marinig ng publiko na nag-i-English.

Kaya naman desmayado ang marami lalo na siguro ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) nang hindi nasagot ni Chiz ang tanong na, “Sino ang Ama ng Wikang Filipino?!”

Nangyari ‘yan sa programa ng DZMM — “Halalan 2016, Ikaw Na Ba?” nitong Biyernes.

At maging ang Filipino novelty & folksong na Leron, Leron Sinta ay hindi niya nasagot ‘yung bahaging ‘sisidlan’ ng  bunga.

Puwede nating patawarin ‘yung Leron, Leron Sinta, pero ‘yung hindi mo alam lung sino ang Ama ng Wikang Filipino?!

Sonabagan!

Si Manuel Luis Molina Quezon, na Ama ng Republika ng Pilipinas at Unang Pangulo ng Commonwealth Republic, hindi alam ni Chiz na Ama rin ng Wikang Filipino?!

Isa ‘yan sa mga batayang tanong sa Araling Panlipunan at Filipino. Ultimo nga ‘yung Grade 1, alam nila ‘yan…

Si Chiz na nag-aambisyong maging bise presidente ng bansa, hindi alam kung sino ng Ama ng Wikang Filipino?!

What the fact!?

‘Yung tanong na bakit magkamag-anak o first degree cousins sina Don Manuel at Doña Aurora, mahirap talaga sagutin ‘yun at iilan lang ang nakaaalam niyan sa History. Trivia talaga ‘yun!

Pero ‘yung pagiging Ama ng Wikang Filipino ni Manuel Luis Quezon, hindi alam ni Chiz?!

Absent ba siya sa klase nang itinuro ‘yan!?

Por Dios por Santo, susumpain ni Lope K. Santos si Chiz at baka bumangon pa sa hukay para batukan siya!

Aba ‘e kung nanonood ng mga oras na iyon si KWF Chairman Virgilio Almario, malamang nahulog siya sa kinauupuan niya.

Mayroon ngang nag-text na isang listener na nagpakilalang taga-Komisyon sa Wikang Filipino at sinabing nalulungkot sila dahil hindi alam ni Chiz kung sino ang Ama ng Wikang Filipino.

Si Chiz ay isang halimbawa ng RETORIKA.

Maingay, mabulaklak manalita, rumerepeke ang bunganga sa paggamit ng wikang Filipino pero HUNGKAG at walang laman ang mga pahayag!

No wonder kung bakit hindi niya alam kung sino ang Ama ng Wikang Filipino.

‘Yan ang ibig sabihin ng rhetoric – HUNGKAG.

Next topic please…

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *