Sunday , December 22 2024

PNoy hinamon magpatawag ng special session sa P2-K dagdag-pensiyon (Para ma-override sa Kongreso)

HINAMON ng mga proponent ng P2,000 SSS pension hike si Pangulong Benigno Aquino III na magpatawag ng special session para mabigyan ng oportunidad ang Kongreso na mai-override ang kanyang veto.

Kamakalawa ng gabi ay dalawang beses nagkaroon ng tensiyon sa Kamara sa pagitan ng House security at ilang senior citizens na sumugod sa Batasan para suportahan ang gagawing override ng mga kongresista.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Neri Colmenares, para masunod din ang itinatakda ng saligang batas na kapag nag-veto ng panukala ang pangulo ay dapat ikonsidera ng Kongreso ang pag-override rito.

Kung hindi pagbibigyan ang special session, ipipilit nilang isingit ang usaping ito kahit sa pag-convene ng lower House sa Mayo para sa canvassing ng boto para sa presidente at bise presidente.

Payo ng mga kongresista sa pangulo, mas mabuti na ang special session imbes maabala pa ang canvassing.

Nagkakamali aniya ang Malacañang kung inaakalang ang kanilang kabiguan sa override kamakalawa ay nangangahulugan ng pagtatapos ng isyung ito.

Bukod sa SSS override, nabinbin din ang Bangsamoro Basic Law (BBL), Salary Standardization Law (SSL) at Freedom of Information Bill (FOI).

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *