Sunday , December 22 2024

Kalaban ni Bagatsing desperado

HABANG nalalapit ang eleksyon, parang desperado na sina dating Manila Mayor Alfredo Lim at re-electionist Mayor Joseph “Erap” Estrada. 

Reaksiyon ito ni Manila mayoralty candidate at three termer 5th District Congressman Amado S. Bagatsing nang tanungin ng mga mamamahayag sa isang kapihan sa Malate, Maynila kaugnay sa umano’y ipinagkakalat ng kampo ni Erap na umano’y “may sakit na siya (Bagatsing)” at umano’y ipinagkakalat ng kampo ni Lim na “hindi na siya (Bagatsing) tutuloy sa pagtakbo bilang Mayor, bagkus nakipagsanib puwersa na lang umano sa kampo ni Lim.”

Ani Bagatsing, “Desperado na talaga ang mga kalaban ko, kung ano-anong gimik ang pinapalabas nila (Lim and Erap), kesyo ganito, kesyo ganyan, malamang kinakabahan na sila dahil lumalapit ang eleksiyon ay lalo nilang nalalaman at nararamdaman na ayaw na sa kanila ng mga Manilenyo. Ako ang pinakabata sa kanilang dalawa… kung gusto nila, hinahamon ko sila, sabay-sabay kaming magpa-health test para malaman natin kung sino-sino talaga ang maysakit at para malaman natin kung sino talaga ang ‘fit to lead’ the city,” paghahamon ni Bagatsing.

Samantala, binatikos rin ni Bagatsing si Erap sa umano’y kaliwa’t kanang pamimigay ng pera sa mamamayan ng Maynila sa iba’t ibang pamamaraan gamit ang pondo ng lungsod gayon din ang umano’y planong pagkuha ng tinatayang aabot sa 10,000 katao ng city hall bago mag-eleksiyon. 

“Halos tatlong taon niyang pinahirapan ang mamamayan ng Maynila. Pagkaupong-pagkaupo niya puro pahirap ang inabot sa kanya ng Manilenyo. Itinaas ang business tax, real property tax, nilagyan ng bayad ang mga hospitals, tinaasan ang mga bayad ng mga maliliit na vendors sa palengke, at kung ano-ano pa. Tapos ngayong malapit na ang eleksyon at kakailanganin nanaman niya ang boto ng taumbayan, heto ngayon siya bigay dito, bigay doon..nagpapamudmod ng kung ano-ano, bawi dito bawi doon, in effect binibili niya ang boto ng mga ito. Ang liit ng tingin niya sa Manilenyo. Laging ipinagmamalaki na malaki ang koleksyon ng Maynila, pero bakit pinagbabayad ang taumbayan? Niloloko at pinaiikot niya sa kamay niya ang mamamayan ng Maynila.  Ang dapat niyang gawin sa pera ng lungsod ay bayaran ang utang ng Maynila na sinasabi niyang iniwan ni Lim,” sambit pa ng kongresista.  

Si Bagatsing na anak ng dating Alkalde ng Maynila na si Ramon D. Bagatsing ay kandidato sa pagka-Mayor sa lungsod katambal ang anak rin ni dating Manila Mayor Lito Atienza na si 5th District Councilor Ali Atienza bitibit ang programang pagbabago sa lungsod sa ilalim ng “Ang Bagong Maynila Coalition-Team KABAKA.”

Magugunitang kamakailan lamang ay iba’t ibang sektor ang nag-anunsyo ng pagsuporta sa kandidatura ni Bagatsing dahilan upang patuloy na manguna sa mga local surveys sa lungsod ang kongresista bilang napipisil ng mga Manilenyo na maging susunod na alkalde ng Maynila.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *