Friday , November 22 2024

FOI, Anti-Dynasty Bills tuluyang inilibing sa Kamara

FOITULUYAN nang inilibing ng mga mambabatas sa Kamara ang Freedom of Information (FOI) Bill at Anti-Dynasty Bill.

Ayon kay Majority Leader Nepatali Gonzales II, prayoridad nila ‘yung mga nasa third reading na kung magkakaroon man sila ng quorum.

“Kung magkaroon kami ng quorum, unahin ko ‘yung third reading (If we’ll have a quorum, I will prioritize the bills which are already on third reading). I would rather devote time of the plenary to bills which we can reasonably pass,” ani Gonzales nitong Lunes sa isang interview.

Maging ang Bangsamoro basic law (BBL), na pinalitan ng pangalan na Law for the Bangsamoro Area of Responsibility, ay idineklarang ‘patay’ ng Kamara.

Kabilang tayo sa hanay ng mga desmayadaong-desmayado sa ginawa ng Kamara. Pero, may bago ba sa ginawa nila?!

Matagal na tayong ginugulangan sa walang habas na boladas ng mga mambabatas.

Tayo naman, parang mga uto-uto na naniniwala sa pinagsasabi ng mga bulok na mambabatas pero at the end of the day, mare-realize lang natin na nauto na naman tayo.

Hindi na tayo nasanay sa lip service, na bihasang-bihasa ang mga mambabatas.

Puro ngawa pero walang-wala sa gawa.

‘Yan ho ang mga ibinoto nating mambubutas ‘este mambabatas na nangangako na naman na uunahin nila sa 17th Congress ang FOI.

Sabihin n’yo ‘yan sa mga lelong n’yong panot na nagpalaki ng mga taong katulad ninyo!

Sinong mambabatas ang mangunguna para ipasa ang FOI at anti-dynasty bill na wawasak sa kanilang pansariling interes?!

Tayo lang ang naniniwala na gagawin nila ‘yan pero sa totoo lang kahit sila sa sarili nila ay nasusuka sa mga pinagsasasabi nila?!

Lulustayin lang nila ang budget para sa deliberasyon ng isang panukala, para sabihin lang na sila ay may ginagawa para sa bayan, pero sa huli, sa basurahan din ang tuloy ng mga panukalang batas na ‘yan.

Mabilis lang sila magpasa ng batas kung ito ay maglilingkod sa kanilang interes at papabor sa pagdadagdag ng ganansiya sa kanilang mga bulsa.

Sana buhay pa si Pascual Racuyal na minsan nagsabi na kung mananalo siyang Pangulo ng Filipinas ay gagawin niyang ‘piggery’ ang Batasang Pambansa (Kamara at Senado ngayon).

Sa piggery kasi pagkatapos ng anim na buwan kikita ang bayan. Sa Kongreso (Kamara at Senado) naubos na ang appropriated budget, napariwara pa ang kinabukasan ng sambayanang Filipino.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *