Sunday , December 22 2024

Al Gore panggising sa PH — Romualdez

020516 FRONTNANINIWALA ang congressman mula Leyte at miyembro ng House Special Committee on Climate Change na si Rep. Martin Romualdez, ang planong muling pagparito sa bansa ni dating US Vice President at Climate Reality Project founder na si Al Gore sa Marso ay dapat mag-udyok sa gobyerno na gumawa ng makatotohanang hakbang upang tugunan ang mga usaping kinakaharap ng bansa hinggil sa kalikasan.

“Maraming beses nang tuwirang idineklara ni Mr. Gore na ang mundo ay tinuruan ng bagyong Yolanda ng isang mapait na leksiyon hinggil sa katakot-takot na krisis sa klimang nakaambang manalasa. Ganoon na lamang ang kanyang pag-aalala sa Filipinas at sa kalagayan ng likas na kapaligiran dito kung kaya noong Disyembre lamang, binigyan niya ng panahon ang pakikipagpulong sa mga delegado ng Filipinas sa UN Convention Framework on Climate Change sa Paris,” ayon sa mambabatas.

Muling bibisita sa bansa mula Marso 14 hanggang 16 si Gore upang bigyan ng pagsasanay ang mga bagong usbong na “climate reality leaders” na aasahang magtuturo sa kani-kanilang mga komunidad hinggil sa masamang epekto ng nagbabagong klima at ng pagkagumon sa “fossil fuels” gaya ng langis at karbon o coal.

Binigyang-diin ni Romualdez, tatakbong senador sa darating na halalan sa Mayo, “hindi na sasapat ang satsat at puro daldal” sa gitna ng mga pag-aaral na ang lebel ng karagatan sa Filipinas ay limang beses na mas mabilis ang pagtaas kaysa antas ng pag-angat nito sa nalalabing bahagi ng mundo.

Isa rin umano itong babala sa malaking posibilidad na ang mga strom surges o daluyong ng dagat na tumatama sa ating mga baybayin ay lalo pang lalakas dahil sa global warming.

“Isang inspirasyon si Al Gore sa mga pamahalaan saan man sa mundo. ‘Ika nga’y ‘he talks the talk and he walks the walk’ sa kanyang malawakang adbokasiya upang iligtas ang planeta.”

Giit ng mambabatas at abogadong alumnus ng UP, dapat umanong magsilbi bilang babala ang muling pagparito ng pamosong environmental activist at dating bise presidente ng Estados Unidos sa mga lider ng ating bansa na “kailangan nang  tapusin ang sinimulan nating rehabilitasyon matapos manalasa ang bagyong Yolanda noong 2013. Sa dami ng ating mga prayoridad sa usapin ng kalikasan, kailangan atupagin ng gobyerno ang pangmatagalang plano at estratehiya para sa transisyon ng bansa patungo sa malinis na enerhiya.”

Ang lalawigan ng Leyte, na kinakatawan ni Romualdez sa Kamara, ay malubhang sinalanta ng bagyong Yolanda, isa sa pinakamalakas na bagyong naitala sa kasaysayan. Nagresulta ito sa pagkamatay ng 6,300 katao at pagkasira ng tahanan ng mahigit kalahating milyong Filipino. Patuloy ang isinasagawang rehabilitasyon sa lalawigan.

“Hindi na natin kailangan ng isa pang Yolanda upang magising tayo at makita ang pangangailangan sa agarang pagkilos. Noon pa hinahamon ni Al Gore ang buong mundo na mag-ambag ng mga inisyatiba upang iligtas ang planeta, bilang isang indibidwal man o bilang bahagi ng isang bansa. Tumugon tayo sa panawagang ito at gawin ang nararapat. Kahit mag-umpisa tayo sa sarili nating mga bakuran.”

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *