Friday , November 15 2024

6 babae nasagip sa tourist sex parties

NASAGIP ng mga awtoridad sa operasyon kamakalawa ng gabi sa Malate, Maynila ang anim kababaihang sinasabing ibinebenta sa mga dayuhang turista para ilahok sa sex parties.

Nasagip nang pinagsanib na puwersa ng mga elemento ng Women and Children Protection Center (WCPC), Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang kababaihan sa isinagawang entrapment operation laban sa trafficking in person dakong 6:45 p.m. sa kahabaan ng  Roxas Boulevard.

Tatlo ang naaresto sa operasyon na kinilalang sina Sonny Febra Sr., 42, at Marilou Palacio, 39, kapwa residente ng Leveriza St., Pasay City; at Rich Ortega, 24, ng Remedios St., Malate.

Ang operasyon ay isinagawa base sa natanggap na impormasyon mula sa confidential informant.

Sa isinagawang isang linggong surveillance at undercover activities, nakompirmang ang mga biktima ay ibinibenta at ginagamit ng mga dayuhang turista.

Narekober mula sa mga suspek ang P25,000 marked money bilang downpayment para sa serbisyo ng mga biktima.

“The above-mentioned suspects and the victims, together with the pieces of evidence were brought to the WCPC in Camp Crame, Quezon City for investigation and eventually filing formal charges against the suspects, and processing of the victims through the assistance of the DSWD,” ayon sa pahayag ng WCPC.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *