Friday , November 15 2024

Senado sinisi sa SSL 4 ‘deadlock’

NANINIWALA si House Majority Leader Neptali Gonzales, hindi napag-aralan ng Senado ang panukalang Salary Standardization Law (SSL) 4 na layuning itaas ang sahod ng mga manggagawa sa gobyerno sa loob ng apat na taon.

Pahayag ito ni Gonzales nang maganap ang ‘deadlock’ sa dalawang kapulungan ng Kongreso sa nasabing panukala habang papalapit ang pagsasara ng kanilang sesyon sa Biyernes.

Sinabi ni Gonzales, umaapela siya sa Senado na pag-isipan ang kapakanan ng mayorya, lalo ang kasalukuyang mga empleyado ng gobyerno bago ang pensiyon ng mga retiradong uniformed personnel.

Ayon kay Gonzales, maging ang Malacanang ay nagsabi ng hindi kakayanin ang pension indexation na ipinipilit ni Sen. Antonio Trillanes dahil ang pondo sa SSL na P57 bilyon ay naipasa na kasama sa 2016 national budget.

Hindi rin aniya maaari ang paninindigan ni Trillanes na ipasa na lang ang panukalang batas kasama ang indexation ng pensiyon ngunit gawing conditional o depende sa availability ng pondo.

Kaya kung magmamatigas aniya ang senador, maaaring maipit sila sa ‘deadlock’ o maipasa man ngunit tiyak i-veto rin ni Pangulong Aquino ang buong panukalang batas dahil hindi pwede rito ang line veto o isang probisyon lamang ang aalisin.

Kung hindi mapagtibay ang batas, ang nakalaang pondo para sa dagdag sahod ng government employees ay awtomatikong magiging savings at bahala na ang Ehekutibo kung saan ito ililipat.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *