Sunday , December 22 2024

Political parties’ accreditation diringgin na ng Comelec

ITINAKDA na sa susunod na linggo ang pagdinig ng Commission on Elections sa petisyon ng iba’t ibang partido na madedeklarang dominant majority at dominant minority party para sa May 9 elections.

Batay sa Comelec Resolution 9984, gaganapin ang pagdinig sa Pebrero 4 dakong 2 p.m. sa 16 petisyon na inihain ng national at local parties sa main office ng Comelec sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Manila.

Diringgin din ng Comelec ang petisyon ng mga partido na nais mapabilang sa 10 major political parties at dalawang major local parties.

Kabilang sa mga national party na nais madeklarang dominant majority party at dominant minority party at 10 major political parties ang mga sumusunod: National Unity Party, Liberal Party, Aksyon Demokratiko, Kilusang Bagong Lipunan, Achievement with Integrity Movement, Lakas-Christian Muslim Democrats, National People’s Coalition, Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan, Nacionalista Party, United Nationalist Alliance, at Laban ng Demokratikong Pilipino

Habang ang mga naghain ng petisyon para sa accreditation ng dalawang major local parties ang mga sumusunod: Kusog Baryohanon, Kabalikat ng Bayan at Kaunlaran, United Negros Alliance, Partido Abe Kapampangan, at Arangkada San Joseño, Inc.

Ang maidedeklarang dominant majority at dominant minority na partido ay makatatanggap ng kopya ng election returns, electronically transmitted precinct results at kopya ng certificates of canvass.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *