Monday , December 23 2024

Mataas na singil ng permits sa Puerto Galera inaangalan na!

Puerto GaleraPINAPALAGAN na ng maliliit na operator ng mga bangkang de motor, tricycle driver, UV Express at maging ng mga negosyante na labis na naaapektohan sa sobrang taas ng singil sa kanila sa iba’t ibang kalse ng permits.

Kung kaya nanawagan sila  sa administrasyong Aquino, DTI at COA na gumawa ng hakbang upang mapababa ang singil ukol dito at paimbestigahan ang umano’y napakakontrobersiyal na paniningil ng Enviromental User’s Fee (EUF) sa mga dayuhan at sa mga taong hindi taga-Puerto Galera na pumupunta at namamasyal sa nasabing bayan at maging sa white beach na ubod umano nang dumi ang dinarayong lugar na “malaparaisong dalampasigan.” 

Bukod diyan madalas din ang kaguluhan at nakawan sa nasabing isla na ang kadalasang biktima ay pawang mga turista.

Wala rin umanong nakikitang barangay tanod na nagroronda sa gabi maging sa mga barangay outpost at wala rin police visibility sa naturang lugar.

Dapat umanong paimbestigahan na kung saan ba talaga ginagamit ang kinikita sa EUF mula nang maupo ang kanilang alkalde ayon sa mga nagrereklamo.

Sobra din umanong pabigat sa mga mangingisda lalong-lalo na sa maliliit na bangkang de motor at tricycle driver ang patuloy na paniningil sa kanila nang “overpriced” na permits gaya ng barangay clearance na halagang P600, sanitary permit P700, working/mayors permit P800, cedula P150 at environmental users fee (EUF) P50 na inoobliga umano silang kumuha para sila ay maka-pamasada at makapangisda o pumalaot sa dagat.

Dagdag ng mga kunsumidong tsuper at maliliit na operator ng bangkang de motor, “Hindi naman kami establisimyento, mall, convenient store, palengke, restaurant o hotel ‘e kung bakit kami inoobliga ng munisipyo na kumuha sa mga nabanggit na requirements.”

Ayon pa sa ilang galit na galit na tsuper, ang alkalde rin umano nila ang siyang nagtatalaga ng mga pangulo ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) kahit walang nagaganap o ginaganap na eleksyon.

Hindi rin umano maaaring bumiyahe ang isang tricycle kapag hindi Kawasaki o Barako ang kanilang motorsiklo at sobra rin mahal ang pagkuha ng prangkisa.

Sobrang sama ng loob ang dinaranas ngayon ng ilang negosyante sa naturang bayan na umaangal na rin sa sobrang mahal ng singil sa business permits dahil halos triple ang buwis na ipinapataw sa kanila.

Kaya naman no choice sila kundi magtaas ng kanilang singil sa parokyano na ang apektado at nahihirapan ay mga bakasyonista at mga dayuhan turista sa kanilang lugar.

Nagbabalak na rin umano ang ilang grupo ng mga tsuper na magsagawa ng kilos protesta laban dito.

Puerto Galera Mayor Hubbert Christopher A. Dolor,ano ho ba ang nangyayari sa bayan ninyo?

Huwag naman sanang dumating ang araw na iwasan na ng mga dayuhan at kababayan natin ang inyong bayan?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *