Friday , November 15 2024

Libreng serbisyo pagbalik ko – Lim

121115 fred lim wheelchairTINIYAK kahapon ni Manila Mayor Alfredo S. Lim na lahat ng libreng serbisyo na dati nang pinakikinabangan ng mga residente ng lungsod sa panahon ng kanyang panunungkulan ay ibabalik, sa kanyang muling pag-upo sa City Hall.

Ginawa ni Lim ang paniniyak sa ginanap na breakfast meeting and feeding program kasama ang barangay leaders at residente sa Port Area sa District 5 ng Maynila.

Ipinarating ng mga residente ang kanilang hinaing na mula nang mawala si Mayor Lim ay hindi na umano libre ang mga ospital at maging libing, ‘di gaya nang dati.

Sa nasabing pulong ay nagsalita rin ang mga kasamahan sa tiket ni Lim na si councilor Josie Siscar, tumatakbong fifth district congresswoman; at mga kandidatong councilors na sina Jaime ‘Jimmy’ Adriano, kasalukuyang barangay chairman; Felix Tobillo, Jr., Mark ‘BigMac’ Andaya, Ariel Dakis at Borjet Mariano.

Tiniyak nila na gaya ni Lim, walang sino man sa kanila ang magnanakaw sa pondo ng bayan o sa pera ng tao.

Biniyang-diin nila na pinili nilang kay Lim umalyansa sa pagtakbo sa politika dahil sa kanyang ‘di mapantayang records pagdating sa pagbibigay ng serbisyo publiko.

Malinis rin at walang bahid ng korupsyon ang record ng alkalde bilang lingkod-bayan sa loob ng ilang dekada.

Sinabi ni Lim na kahit kailan ay hindi niya ginawa o gagawing bumili ng boto dahil nananalig siya sa integridad ng bawat Manileño at naniniwala siya na ang pamimili ng boto ay malaking insulto sa mga botante.

Tiniyak ng mga residente na kanilang susuportahan ang kandidatura ni Lim dahil natitiyak nila, sa pamamagitan niya ay muli nilang matatamasa ang mga libreng serbisyo na dati nilang pinakikinabangan.

Maaalala na bilang karagdagan sa nag-iisang ospital ng lungsod, ang Ospital ng Maynila (OM), lima pang city hospitals ang ipinatayo ni Lim na pawang nagbibigay ng libreng serbisyo medikal sa mga residente kasama ang mga gamot na ibinibigay kapag pinauuwi na ang pasyente. 

Ito ang  Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Justice Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc at Sta. Ana Hospital.

Ipinaayos ni Lim ang Ospital ng Maynila at nagpagawa pa ng limang opsital upang makompleto na ang bawat distrito sa Maynila ay may ospital na libre para sa mga residente.

 

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *