Saturday , November 23 2024

Kampihan Blues sa Mamasapano laglagan blues sa Liberal Party (Sabwatang Chiz at Ochoa?)

00 Bulabugin jerry yap jsyMALUNGKOT ang pamilya ng SAF 44 commandos dahil walang nangyari sa unang araw ng Mamasapano massacre investigation na binuksan ni Senator Johnny Ponce Enrile sa Senado para patunayan na mayroong pananagutan si Pangulong Noynoy sa nasabing insidente.

Tila mayroong umiral na ‘OMERTA’ o “code of silence” sa hanay ng mga inaasahang ‘bobomba’ sa ‘Lihim ng Guadalupe’ na nasa likod ng Mamasapano incident na ‘ikinasawi’ ng 44 commandos ng Special Action Force ng Philippine National Police (PNP-SAF).

Ang inaasahan ng pamilya ng mga biktimang SAF 44 ay makakamit nila ang ‘genuine justice’ sa nasabing hearing.

‘Yun bang tipong sa wakas ay nalinawan ng sambayanan kung ano talaga ang nangyari kung bakit nagwakas sa mga tila ‘kinatay’ na SAF commandos ang misyon na dakpin, patay o buhay, si Marwan.

Buhay ni Marwan, kapalit ng buhay ng SAF 44.

Sabi nga, “ang mag-alay ng dugo para sa bayan ay kadakilaan” pero ang hindi maintindihang pagkakapaslang sa SAF 44 ay nanatiling ‘misteryo’ ng kataksilan sa bayan.

Huwag kalimutan na ang Senate Committee on Public Order ay pinamumunuan ni Sen. Grace Poe, ang presidente ni Sen. Chiz Escudero.

Kaya nakapagtataka kung bakit hindi isinalang at tinanong ni Chiz si Executive Secretary Paquito “Jojo” Ochoa, Jr.,  sa Mamasapano hearing.

Kung tutuusin, maraming alam si Ochoa bilang little president at best friend ni PNoy.

Tiyak na alam ni Ochoa ang nangyayari habang ‘kinakatay’ ang SAF commandos sa Mamasapano.

Ang impluwensiya ni Ochoa bilang executive secretary ay napakalawak hanggang PNP, AFP at iba pang departamento at ahensiya ng gob-yerno.

Marami ang nagtatanong, baka naman pinoprotektahan ni Chiz si Ochoa dahil bantad na bantad na sinusuportahan ang kanyang kandidatura.

Marami ang nagsasabing, halos lahat ng tao ni Ochoa ay nasa poder ni Chiz ngayon at nagtatrabaho sa kanyang kampanya.

Kung totoo ito, malinaw na harap-harapan ang ginagawang panlalaglag ni Ochoa sa Liberal Party, partikular na sa kandidatura ni Leni at ‘yan ay dahil sa mahigpit na alyansa nila ni Chiz.

Never forget: ang NOY-MAR ay naging NOY-BI sa sabwatang Chiz at Ochoa noong 2010?!

Mataas na singil ng permits sa Puerto Galera inaangalan na!

PINAPALAGAN na ng maliliit na operator ng mga bangkang de motor, tricycle driver, UV Express at maging ng mga negosyante na labis na naaapektohan sa sobrang taas ng singil sa kanila sa iba’t ibang kalse ng permits.

Kung kaya nanawagan sila  sa administrasyong Aquino, DTI at COA na gumawa ng hakbang upang mapababa ang singil ukol dito at paimbestigahan ang umano’y napakakontrobersiyal na paniningil ng Enviromental User’s Fee (EUF) sa mga dayuhan at sa mga taong hindi taga-Puerto Galera na pumupunta at namamasyal sa nasabing bayan at maging sa white beach na ubod umano nang dumi ang dinarayong lugar na “malaparaisong dalampasigan.” 

Bukod diyan madalas din ang kaguluhan at nakawan sa nasabing isla na ang kadalasang biktima ay pawang mga turista.

Wala rin umanong nakikitang barangay tanod na nagroronda sa gabi maging sa mga barangay outpost at wala rin police visibility sa naturang lugar.

Dapat umanong paimbestigahan na kung saan ba talaga ginagamit ang kinikita sa EUF mula nang maupo ang kanilang alkalde ayon sa mga nagrereklamo.

Sobra din umanong pabigat sa mga mangingisda lalong-lalo na sa maliliit na bangkang de motor at tricycle driver ang patuloy na paniningil sa kanila nang “overpriced” na permits gaya ng barangay clearance na halagang P600, sanitary permit P700, working/mayors permit P800, cedula P150 at environmental users fee (EUF) P50 na inoobliga umano silang kumuha para sila ay maka-pamasada at makapangisda o pumalaot sa dagat.

Dagdag ng mga kunsumidong tsuper at maliliit na operator ng bangkang de motor, “Hindi naman kami establisimyento, mall, convenient store, palengke, restaurant o hotel ‘e kung bakit kami inoobliga ng munisipyo na kumuha sa mga nabanggit na requirements.”

Ayon pa sa ilang galit na galit na tsuper, ang alkalde rin umano nila ang siyang nagtatalaga ng mga pangulo ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) kahit walang nagaganap o ginaganap na eleksyon.

Hindi rin umano maaaring bumiyahe ang isang tricycle kapag hindi Kawasaki o Barako ang kanilang motorsiklo at sobra rin mahal ang pagkuha ng prangkisa.

Sobrang sama ng loob ang dinaranas ngayon ng ilang negosyante sa naturang bayan na umaangal na rin sa sobrang mahal ng singil sa business permits dahil halos triple ang buwis na ipinapataw sa kanila.

Kaya naman no choice sila kundi magtaas ng kanilang singil sa parokyano na ang apektado at nahihirapan ay mga bakasyonista at mga dayuhan turista sa kanilang lugar.

Nagbabalak na rin umano ang ilang grupo ng mga tsuper na magsagawa ng kilos protesta laban dito.

Puerto Galera Mayor Hubbert Christopher A. Dolor,ano ho ba ang nangyayari sa bayan ninyo?

Huwag naman sanang dumating ang araw na iwasan na ng mga dayuhan at kababayan natin ang inyong bayan?!

IAS tandem terror ng MPD-PCP!? (Attn: CPNP Gen. Ricardo Marquez)

NAG-IIYAKAN ang matitinong pulis-Maynila sa diskarteng-lokbu ng tandem na IAS-NUP na nagsasagawa ‘kuno’ ng inspection sa bawa’t Police Community Precint (PCP) sa Manila Police Disrict.

Hindi dahil sa higpit o sa proper checking ng IAS ang kanilang inirereklamo kundi ang lumang diskarte ng isang punyente ‘este’ Tinyente EDD ORTINEZ at kanyang dyulalay sibilyan na NUP na si alias Boy Bokadilya?!

Nagtataka kasi ang mga pulis-PCP, bakit parang sila ang paboritong ikutan ng tandem?!

E dati naman, sa mismong mga police station nag-a-accounting at nag-i-inspection ang mga pulis.

Hindi na raw bale kung tunay na inspection daw ang lakad ‘e kaso may hirit raw si alias Boy Bokadilya na ‘for the boys’ na lang para maging maganda ang report sa kanila?!

Kaya kung sinoman ang hepe ng PNP-IAS ngayon, paki-monitor Sir ang lakad ng tandem na ‘yan na isinusuka na ng mga pulis MPD-PCP ngayon!

Reaction ng taga-Brgy. 183 Zone 16 Hermosa, Tondo

KA JERRY, kaya ho ipinatanggal ni Chairman Arnaldos ang ilang street lights e dahil kinakabitan ng jumper ng ilang taga-iskwater. Hindi rin totoo na gumagamit ng ibang barangay sa project ang aming chairman. Politika ho ang dahilan ng paninira sa kanya. Maayos ang peace & order sa ‘min. Takot nga ho ang adik at pusher na pumasok sa barangay namin. #+63919566 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *