Sunday , December 22 2024

96-anyos lola patay sa sunog sa Taguig

013016 FRONTPATAY ang isang 96-anyos lola nang ma-trap sa loob ng habang nasusunog ang kanyang bahay sa Taguig City.

Namatay noon din ang biktimang si Manuela Buquel, ng Apag St., Brgy. Ususan ng naturang siyudad.

Ayon kay Fire Officer 1 Lady Arcega, ng Taguig City Bureau of Fire Protection, dakong 10:45 a.m. nang mangyari ang sunog sa bahay ng biktima.

Sinasabing dahil mahina na ang biktima kaya hindi nakalabas agad at na-trap sa loob ng kanyang kuwarto.

3 sugatan, 40 bahay natupok sa Las Piñas

SUGATAN ang tatlo katao habang nilamon ng apoy ang 40 bahay sa loob ng isang compound sa Las Piñas City kamakalawa ng gabi.

Dumanas ng 1st degree burns sa iba’t ibang parte ng katawan sina Florencio Alfaro, 52; Elsa Sevilla, 42, at Mary Ann Importante, 50, pawang naninirahan sa Trinidad St., Pamplona Uno ng siyudad.

Sa imbestigasyon ni FO2 Daise Pedralde, arson investigator ng Las Piñas Bureau of Fire Protection, nangyari ang sunog sa San Isidro Compound sa Trinidad St., Pamplona Uno ng lungsod dakong 7:30 p.m.

Sinabi ni FO2 Pedralde, sa bahay ng isang Carlito Lutina sa Trinidad St., Brgy. Pamplona 2, nagsimula ang sunog nang may umusok sa bandang kusina ng bahay.

Kumalat agad ang apoy  sa mga katabing bahay na pawang gawa lamang sa light materials at natupok ang halos 40 bahay.

Inaalam ng arson investigators ang naging sanhi ng sunog at kung magkano ang halaga ng mga ari-aring nilamon ng apoy.

Jaja Garcia

1 patay, 2 sugatan sa sunog sa Tondo

PATAY ang isang lalaki habang sugatan ang dalawa pa kabilang ang isang lola, nang sumiklab ang sunog sa isang bahay  sa Tondo, Maynila kamakalawa 

Hindi na umabot nang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang Jonjon Comandante habang ginagamot sa nasabi ring ospital sina Tristan Villajon, 25, ng 999 Int. 2, Morong St., Tondo, at Lydia Tantiera, 68, ng nasabi ring lugar.

Sa ulat ni SFO4 Jun-jun Jaligue ng Manila Fire Department, dakong 7:30 p.m. nang magsimula ang sunog sa bahay na pag-aari ni Lito Balmaceda sa Int. 2, Morong St., Tondo, Manila.

Mabilis na gumapang ang apoy na nagresulta sa pagkatupok ng tinatayang 15 bahay na tinutuluyan ng 30 pamilya.

Inaalam ng mga imbestigador kung ano ang pinagmulan ng sunog.

Leonard Basilio

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *