Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tax exempt kay Pia OK sa House Committee

LUSOT na sa House ways and means committee ang panukalang batas na nagbibigay ng tax exemption sa kinita at premyo ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach sa sinalihang beauty pageant.

Nabatid na naaprubahan ito, ilang minuto bago ang pagdalaw ng Cagayan de Oro beauty queen sa Batasan Pambansa sa Quezon City.

Naging ‘unanimous’ ang boto ng mga miyembro ng komite para ipasa ang House Bill 6367 na inihain ng magkapatid na sina Reps. Rufus at Maximo Rodriguez Jr.

Sa ilalim ng House Bill 6367, magiging exempted na si Pia sa pagbubuwis sa lahat ng natanggap niyang premyo, kabilang ang buong taon na sweldo, accommodation sa New York apartment, supply ng haircare products at marami pang iba.

Una nang inamin ng BIR na hindi maaaring patawan ng buwis ang korona ni Pia dahil lumutang sa impormasyon na ito ay ipinahiram lamang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …