Sunday , December 22 2024

Modern tech, active commune vs kalamidad — Romualdez

012816 FRONTMULING iginiit ni Leyte congressman at 2016 senatorial bet na si Martin Romualdez kahapon ang agarang pangangailangan ng pinakabagong sistema sa pagmamapa, simulasyon, at information and communication technology bilang kasangkapan sa pagpapaibayo ng kahandaan ng bansa laban sa mga kalamidad na dala ng kalikasan gaya ng pagbaha, bagyo at lindol.

“Kritikal ang mga kagamitang ito sa ating kahandaan sa pagtugon dahil ang Filipinas ay direktang nakatayo sa disaster-prone area sa mundo.”

Binanggit din ng abogadong mambabatas mula sa UP ang ulat ng United Nations Economic and Social Commission for the Asia and the Pacific (UNESCAP) na nagsasabing ang mga nasa rehiyon ng Asya Pasipiko ay higit nang 4 beses ang tsansang maapektohan ng natural na sakuna kung ikokompara sa mga nakatira sa Africa, at higit nang 25 beses na nasa peligrong masalanta kaysa mga taga-Europa at North America.

Ayon sa UN study, bagamat sa Asya Pasipiko nagmumula ang ikaapat na bahagi ng Gross Domestic Product ng buong mundo, dito naman matatagpuan ang nakalululang 85 porsiyento ng namamatay at 38 porsiyento ng pagkalugi sa ekonomiya mula 1980 hanggang 2009.

“Malaking tulong sana sa atin ang high-tech satellite mapping ngunit kung titingnan natin ang pinagdaanan ng Japan at India tuwing may kalamidad sa kanila, makikita natin malaki ang nagagawa ng simpleng teknolohiya gaya ng smartphone apps kung kaakibat nito ang aktibong pakikilahok ng mga komunidad,” paliwanag ng mambabatas.

“Ang telepono ay hindi na pangtext at pantawag lamang. Sa ibang bansa, ito ay ginagamit na upang imapa ang maliliit na komunidad at sa paggawa ng matatag na geospatial database na basehan sa kanilang paghahanda at pagtugon.”

“Ang ating Department of Science and Technology (DOST), halimbawa, ay maaaring humimok sa high schools at pamantasan sa paraan ng isang pambansang kompetisyon sa paglikha ng mga app na maaaring mapakinabangan nang husto sa panahon ng kalamidad,” ayon kay Romualdez.

Malaki rin ang silbi ng mga katangiang matutunghayan sa gaming at social networking apps para makuha ang interes nang mas marami sa ating mga kababayan.

“Ang sa akin lang, kailangan na nating mag-umpisang mag-isip ng kakaibang paraan. Hindi nangangahulugan na kung hi-tech ang nakikita nating solusyon, kailangan ding gumastos ang gobyerno ng napakalaking halaga,” dagdag ng Waray na mambabatas.

Hindi naiwasang maalala ng congressman mula sa Leyte ang delubyong pinagdaanan ng kanyang mga kababayan noong Nobyembre 2013 nang manalasa ang bagyong Yolanda – isa sa pinakamalakas na bagyong nakatala sa kasaysan ng mundo – kasabay ng panatang, “Hinding na mauulit ang kawalan ng paghahanda bago ito tumama, hindi na rin mangyayari ang natatarantang pagtugon at hindi organisadong pagtulong at pag-alis nito.”

Paghupa ng nasabing bagyo, 6,300 katao ang nasawi at kalahating milyong Filipino ang nawalan ng tirahan. 

Ayon kay Romualdez, bagamat walang bansa sa mundo ang ligtas sa pagtama ng kalamidad, “ang makabagong teknolohiya ay maaaring pagkunan ng tulong upang ibsan ang masamang epekto nito. Kapag pinag-isipan at angkop ang paggamit ng teknolohiya, malaki ang magagawa para paliitin nang husto ang bilang ng mga biktima ng sakuna.

“Ang tambalan ng teknolohiya at organisadong pakikilahok ng komunidad ay subok na bilang pinakaepektibong paraan tungo sa disaster preparedness, climate mitigation at pagpapatibay ng ating bansa.”

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *