IPINATITIGIL ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operation ng “GrabBike,” isang motorcycle service sa Metro Manila.
Sa inilabas na kalatas ng LTFRB, ang operasyon ng nasabing Bike operation ay ipahihinto hanggang magpalabas ang Department of Transportation and Communications (DoTC) ng guidelines.
Ang GrabBike ay isang service mula sa MyTaxi.ph.
Inilinaw ni LTFRB chairman Atty. Winston Ginez, trabaho nila ang pangalagaan ang kaligtasan ng mga pasahero kaya’t ipinagbabawal nila ang serbisyo ng “GrabBike.”
Nagbanta ang LTFRB na kapag hindi ito ipinatigil ay tuluyan nang kakanselahin ang accreditation ng MyTaxi.ph bilang Transportation Network Company (TNC).
Sinimulan ng GrabBike ang serbisyo noong Nobyembre 2015 mula Makati at Bonifacio Global City.