Sunday , December 22 2024

Romualdez: Year-round disaster preparedness kailangan (Prepositioned evacuation centers sa buong bansa)

012716 FRONT“ANG kahandaan sa sakuna ay usapin ng katatagan ng impraestruktura. Bago pa tumama ang sungit ng kalikasan at mga kalamidad, dapat ang mga tutugon ditong pasilidad ay nasa angkop nang puwesto at handang magbigay ng ano mang serbisyo – sa relief man o rescue, evacuation shelter man o maging medical emergency operations.”

Ginawa ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang nasabing pahayag ngayong Martes kasabay ng kanyang panawagan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na magsagawa sa buong bansa ng imbentaryo ng lahat ng estruktura at nakaimbak na pagkain at gamot na pantugon sa mga ganitong pangyayari, “lalong-lalo na sa mga bayang madalas tamaan ng kalamidad sa Visayas, sa Bicol Region at sa Central Luzon.”

“Hindi tayo binabagyo sa unang quarter ng taon ngunit hindi ito dahilan upang maging kampante tayo. Dapat naging babala na sa atin ang malalakas na pag-ulan noong Disyembre dahil napakahirap nang basahin ngayon ang takbo ng klima at panahon,” paliwanag ng mambabatas mula sa Visayas.

Ayon sa abogadong mula sa UP, dapat maging “mas pro-active” ang pamunuan ng NDRRMC.

Kailangan ipaalam sa publiko ng naturang ahensiya kung ano ang sistemang nakatakdang gamitin sakaling tumama ang kalamidad, ayon kay Romualdez, “dahil hindi lang natin alam kung eksaktong kailan, pero siguradong mananalasa talaga ang kalikasan.”

“Sa buong taon, ang NDRRMC ay dapat na nangunguna sa pagpapatibay ng buong bansa sa pamamagitan ng masusing pakikipag-ugnayan sa publiko sa paraan ng disaster education at sa mga lokal na pamahalaan maging sa pribadong sektor sa usapin ng kahandaan, lalo sa mga panahong hindi sila abala sa disaster relief.”

Naalala ni Romualdez ang sinapit ng kanyang mga kababayan sa lalawigan ng Leyte noong Nobyembre 2013 na mahigit 6,300 ang nasawi at kalahating milyong tao ang nawalan ng tirahan.

“Walang pagkain at gamot ilang araw matapos hambalusin ni Yolanda ang aming probinsya dahil wala namang ipinadala sa mga strategic na lugar, sa Leyte man o sa karatig na lalawigan, bago dumating ang bagyo,” balik-tanaw ni Romualdez.

“Dapat natuto na tayo sa mapait na karanasang hatid sa atin ng Yolanda. Dapat nating patibayin pa nang husto ang mga gusali, mga paaralan, covered courts at iba pang pasilidad na madalas gamiting temporary shelters tuwing nangangailangan ng paglikas,” ayon sa mambabatas.

Iginiit ni Romualdez, tumatakbong senador sa darating na halalan, dapat “hiwalay at iba-iba ang gamit, layunin o serbisyong naibibigay ng evacuation centers” sa disaster-prone areas.

Dapat umanong napapakinabangan ang mga pasilidad na ito at kayang maging produktibo sa mga panahong walang bagyo upang hindi masayang ang pondo ng gobyerno.

“Kinikilala natin ang improvements at malayo na rin ang pagkakaiba sa paraan ng pagtugon ng bansa tuwing may sakuna. Ang National Food Authority, bilang halimbawa, ay preposition na ang stocks sa kanilang warehouses na sadyang itinakda para sa relief efforts. Ngunit hindi lang ito ang kailangang gawin ngayon. Ang disaster preparedness ay urgent, dapat buong taon inihahanda natin ang sarili para rito.”

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *