Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Puno nabuwal bahay nabagsakan 1 sugatan, 4 ligtas (Dahil sa eroplano?)

KALIBO, Aklan – Sugatan ang isang misis habang masuwerteng nakaligtas ang kanyang mister at tatlong anak makaraang madaganan ang kanilang bahay ng isang malaking puno ng Gemelina na nabuwal dahil sa umano’y pagdaan ng eroplano sa itaas ng kanilang bahay sa Brgy. Andagao, Kalibo, Aklan kamakalawa.

Personal na dumulog sa Kalibo PNP station si Nelson Laurel, 37, residente ng naturang lugar, at iniulat na bahagyang nasugatan ang kanyang asawang si Marissa Laurel nang tamaan ng mga kawayan.

Ayon sa pahayag ni Laurel, naghahapunan silang mag-anak dakong 6:45 p.m. nang dumaan ang hindi natukoy na eroplano na parang dumadagundong dahil sa mababang lipad nito habang palapag sa Kalibo International Airport na malapit lamang sa kanilang lugar.

Sa hindi inaasahang pangyayari, biglang nabuwal ang puno ng Gemelina at nadaganan ang bahay ng pamilya Laurel na nakatayo sa ilalim ng naturang punongkahoy.

Paliwanag ni Engr. Martin Terre, manager ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP-Aklan), imposibleng dahil sa dumaang eroplano ang pagkabuwal ng puno.

Sinabi niya na ang altitude ng eroplano kapag papalapag ay may taas na 1,200 feet.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …