Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3-anyos dedbol nang mabaril ng 5-anyos utol

ZAMBOANGA CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng ‘children in conflict with the law center’ ng Department of Social Welfare and Development (SWD) ang 5-anyos paslit na aksidenteng nakapatay sa 3-anyos niyang kapatid sa loob ng kanilang bahay sa Purok Sunflower, Brgy. Longilog, sa bayan ng Titay, sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay.

Batay sa impormasyon mula sa Police Regional Office (PRO-9), dakong 8 a.m. kamakalawa, masayang naglalaro si Renz Mark at ang bunso niyang kapatid na si Ralph Stephen habang abala ang kanilang ama na si Ramil Montiel sa paglilinis sa labas ng kanilang bahay.

Lingid sa kaalaman ng ama, pumasok pala ang dalawang bata sa kuwarto ng kanilang lolo na si Ronilo Montiel na noon ay natutulog at siyang nagmamay-ari ng kalibre .45 pistola.

Pilit na kinuha ng biktima ang baril na nakalagay sa itaas ng cabinet at iniabot sa kanyang nakatatandang kapatid.

Aksidenteng nahawakan ng bata ang gatilyo ng baril kaya pumutok ito papunta sa direksyon ng kanyang bunsong kapatid.

Itinakbo pa sa Sibud County Hospital ang biktima ngunit hindi na umabot nang buhay dahil sa grabeng tama ng bala sa kanyang dibdib.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang lolo ng mga bata na posibleng maharap sa kaso dahil sa pagkamatay ng kanyang sariling apo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …