Monday , December 23 2024

UV/GT Express ni TESDA boy humahataw sa Bulacan

joell villanueva uv expressMARAMI sa ating mga kababayan ang patuloy na umaangal dahil sa sobrang hirap ng pinagdaraanan sa pagkuha ng isang legal na prangkisa para makapag-operate ng UV/GT express.

Lalo na kung ikaw ay isang ordinaryong mamamayan lang ‘di ba?

Pero may ilan yata na talagang pinagpala especially kung malapit ka sa ‘kusina’ o may katungkulan sa gobyerno o malapit kay Pnoy.

Humahataw kasi ngayon sa Tabang, Guiguinto Bulacan ang isang terminal ng UV/GT express na mahigit 40 van na pag-aari umano ni TESDA boy at senatoriable JOEL VILLANUEVA.

Hindi tuloy maiwasan na mainggit ang mga residente ng Guiguinto kay Joel Villanueva sa kanyang negosyo.

Alam kasi nila na mayaman ang pamilya ni Villanueva (nakakapag-New Year nga sa Hong Kong), pero kahit negosyong UV express ay pinasok pa rin.

Ito raw ba ang isa sa gantimpala ng pagiging malapit n’ya kay Pnoy?

Base sa mga urotan ng mga drayber, jackpot nga raw sa boundary ang mga UV/GT express ni Villanueva. Mantakin nga naman n’yo kung 40 van X P1,000 = P40,000 araw araw ang kitakits ni Tesda Boy?!

Mataas nga raw kompara sa iba ang boundary kay Tesda boy, sabi pa ng isang drayber.

Tanong ng mga drayber, bakit kapag kay Villanueva ay parang ang bilis ng labas ng prangkisa pero sa iba ay inabot na nang taon, nganga pa rin ang kanilang application?!

Anyway, gusto ko lang tanungin si Tesda boy Villanueva kung kasama ba sa trabahong ipinapangako n’ya ang pagiging UV/GT express driver?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *