Sunday , December 22 2024

Temperatura sa Tuguegarao bumagsak sa 18°C, Baguio 12°C

NAKARARANAS sa kasalukuyan nang napakalamig na panahon ang Lungsod ng Tuguegarao

Ayon kay Benny Esparehas ng Pagasa, naitala ang 18 degrees Celsius na temperatura sa lungsod kahapon ng umaga bunsod nang kalakasan ng hanging amihan.

Idinagdag niya na magtatagal ang malamig na panahon sa lungsod hanggang Huwebes.

Ang Tuguegarao City ay isa sa may pinakamainit na klima sa buong bansa at nakapagtatala rito ng pinakamataas na temperatura na umaabot sa 39 degrees Celsius tuwing summer season.

Samantala, lalo pang bumaba ang temperatura sa Lungsod ng Baguio at lalawigan ng Benguet.

Ito’y nang maitala ang pinakamalamig na temperatura kahapon ng umaga at ngayong buwan ng Enero sa City of Pines na aabot sa 12.2 degrees Celsius, mas mababa sa 14.6 degrees Celsius na naitala kamakalawa.

Ayon sa Pagasa, inaasahan ang pagbaba pa ng temperatura hanggang sa susunod na buwan ng Pebrero dahil pa rin sa epekto ng northeast monsoon.

Kaugnay nito, puspusan ang paghahanda ng mga magsasaka sa Benguet laban sa frost bite na idinudulot ng malamig na panahon.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *