Thursday , December 26 2024

Sayang ang dating drug buster

00 firing line robert roqueSAYANG ang dating drug buster na si Marine Lieutenant Colonel Ferdinand Marcelino, na nahuli sa loob ng pinaghihinalaang laboratoryo ng shabu na sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng PNP Anti-Illegal Drugs group at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). 

Sa kabila ng katwiran ni Marcelino na nasa misyon siya para sa Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) na tinaguriang “Oplan Moses” nang datnan ng mga humuli, nahaharap siya sa kasong pakikipagsabwatan sa paggawa at pagtataglay ng ilegal na droga.

Ang integridad ni Marcelino ay ginarantiyahan ng kanyang dating boss sa ISAFP at kasalukuyang Army chief na si Lieutenant General Eduardo Año. Gayon man ay sinabi niya na ang mission order na kanyang inisyu kay Marcelino ay lumipas o nagwakas na noon pang Disyembre 2014.

Itinanggi ng Malacañang ang mga ulat na si Marcelino ay ahente ng Presidential Anti-Organized Crime Commission na pinamumunuan ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr.

Kasamang naaresto ni Marcelino sa loob ng Celadon Residences sa Felix Huertas Street, Santa Cruz, Maynila noong Huwebes si Yan Yi Shou, dating asset ng PDEA na naglingkod si Marcelino bilang hepe ng isang special unit.

Nasamsam ang 76 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P383 milyon, at hindi 64 kilos na may halagang P256 milyon na unang naulat.

Mangiyak-ngiyak si Marcelino habang nakaposas nang dalhin siya sa Department of Justice para sa kanyang inquest. Ito raw ang presyo na kailangan niyang bayaran sa pagmamahal niya sa bayan.

Pero kung totoong nasa misyon si Marcelino, bakit wala siyang maipakitang dokumento na magpapatunay nito?

Bukod pa sa mission order na nagpapahintulot sa opisyal na magdala ng baril ay kakailanganing makapagpakita siya ng case operation plan (COPLAN) na magdedetalye kung saan at sino ang target ng anti-illegal drugs operation.

At alalahanin na ang mga taga-ISAFP, Army, o Marines ay hindi pinapayagang magsagawa ng operasyon laban sa ilegal na droga. At kung sakali mang payagan, ito ay walang koordinasyon sa PDEA na may hawak sa lahat ng kaso ng droga sa bansa.

Sa simula pa lang ay wala sanang problema kung may koordinasyon sa PDEA, at lalabas sa records kung may misyon si Marcelino sa lugar.

Pero dahil hindi awtorisado ang presensiya ni Marcelino sa shabu laboratory ay lumalabas na kalokohan ang kanyang pinagsasabi at mananagot siya sa batas. Ang tanong ay ilan pa kaya ang mga opisyal na tulad niya sa gobyerno? 

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *