Sunday , December 22 2024

Mayor Olivarez nanawagan sa taxpayers

NAGPALABAS ng anunsiyo ang Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa mga residente at mga negosyante ng lungsod  na naging responsable at maagap sa pagbabayad ng kanilang mga buwis  para sa ikauunlad ng ekonomiya ng lungsod.

Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Edwin L. Olivarez naging isa ang lungsod sa umaangat na ekonomiya at pondo na ngayon ay pinakikinabangan ng mga residente.

Ayon kay BPLO chief Atty. Melanie Maglaya, panahon na naman upang magbayad ng karampatang buwis hanggang January 29 para sa business tax, mga sanitation permits at iba pang kaakibat na bayaring buwis para sa mga negosyante.

Pinapayuhan sila na magtungo sa ground floor ng Parañaque City Hall sa BPLO na may dalang mga kaukulang dokumento. Upang maiwasan ang antala, kailangan magsumite ang mga magre-renew ng kanilang business permit ng SSS clearance, Philhealth Premium Contributions bago pa man mag-ayos ng kanilang bayarin.

Bukas ang opisina mula Lunes hanggang Biyernes hanggang sumapit  ang huling araw ng bayaran at matapos ang deadline sa January 29.

Patuloy ang pag-unlad ng lungsod dahil ang Parañaque ay tinaguriang Philippines’ Most Economically Dynamic City at The Bay City dahil na rin sa magandang relasyon o partnership sa private organizations na may layuning bigyan ang publiko ng mataas na level na serbisyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng epektibo at mahusay na pamamaraan ng masipag, maabilidad at henyo nilang punong lungsod.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *