Friday , November 15 2024

Chief investigator sa CamSur itinumba (Sa mismong kaarawan)

NAGA CITY – Matagal nang alitan ang itinuturong dahilan sa pagpaslang ng isang Cafgu sa isang pulis sa Brgy. Amokpok, Ragay, Camarines Sur kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si SPO2 Julieto Mondigo Jr., chief  investigator ng PNP-Ragay.

Ayon kay PO3 Roberto Dela Torre, papunta ang pulis sa himpilan upang imbitahan ang kanyang mga katrabaho sa kanyang birthday celebration nang harangin siya ng aktibong Cafgu member na si Ramon Begino.

Nang akmang bubunutin ng suspek ang kanyang kalibre .45 baril, sinubukan ng biktimang agawin ang baril upang hindi maiputok.

Dito nagkaroon ng pagkakataon ang biktima na tumakbo papalayo ngunit hinabol siya ng suspek saka pinagbabaril.

Nang bumagsak ang biktima, lumapit ang suspek, kinuha ang baril ni Mondigo na 9mm at pinagbabaril pa nang limang beses sa kanyang mukha ang pulis.

Mabilis na tumakas ang suspek ngunit dahil may mga nakakita sa pangyayari. Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad ang suspek.

Nabatid na ika-46 kaarawan sana ng biktima kamakalawa nang siya ay paslangin.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *