Bongbong, Grace mag-utol?
Hataw News Team
January 26, 2016
News
MAY isang tao na nagbibiro, pahayag ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nang marinig ang tungkol sa isang pahinang dokumento na sinasabing DNA test result na ipinadala sa Senate reporters nitong Lunes, sinasabing nagpapakita na siya at si Senator Grace Poe ay “related.”
Ang dokumentong may petsang Nobyembre 12, 2015 at may letterhead na DNA Solutions Philippines ay naka-address kay Marcos.
“This is Senator Bongbong Marcos’ DNA result. Compare this with that of Senator Grace Poe and you will see that they are related,” ayon sa note sa isang maliit na papel na naka-attach sa dokumento.
Ngunit sa dokumento mismo ay may nakalagay na paragraph na nakasaad ang katagang: “DNA isolation was carried. Genetic characteristics were determined by PowerPlex 21 PCR Kit. In parallel, positive and negative controls were performed which gave the expected and corrected results.”
Ang dokumento ay pirmado ng isang nagngangalang Julie Ludovico, Forensic Scientist 1.
“I laughed when I heard about it,” pahayag ni Marcos. “I’ve never had a DNA test.”
Nang hingan ng komento, sinabi ni Poe, ang “authenticity” ng dokumento ay dapat munang beripikahin ni Marcos mismo.
“Ako ay nagpapasalamat sa pagmamabuting loob ng ibang tao sa pagtulong sa aking paghahanap sa mga tunay kong kaanak sa dugo,” pahayag ni Poe sa text message.
“Bago pa man ako magkomento kung dapat ikonsidera ang paghahambing, alamin din nila mismo kay Senator Marcos ang authenticity ng pribadong bagay na ito,” aniya.
Natagpuan sa isang simbahan sa Iloilo, si Poe ay inampon nina yumaong aktor, Fernando Poe, Jr. at veteran actress, Susan Roces.
Ang kanyang pagiging “foundling” ay isa sa mga paksa ng disqualifactuion cases na inihain laban sa kanya.
Matagal nang tsismis na si Poe ay anak ng ama ni Marcos na si dating diktador Ferdinand Marcos, sa dating aktres na si Rosemarie Sonora, kapatid ni Roces.
Tinawanan lamang ng dalawang senador ang tsismis at nagbiro pa tungkol sa kanilang pagiging magkapatid.