Monday , December 23 2024

‘Rasputin’ ng Parañaque City Hall

112414 paranaqueIsinusuka ngayon ng mga empleyado ng Parañaque City Hall at maging ng maraming mga mamamayan sa lungsod ang ginagawang pang-aabuso sa kapangyarihan ng isang opisyal doon na kung umasta at mag-utos ay daig pa ang butihing Mayor Edwin L. Olivarez at maging si City Administrator Fernando Soriano.

Nagtataka ang mga nagrereklamong empleyado ng city hall kung saan kumukuha ng yabang at kapal ng mukha ang opisyal na kilalang aso-aso ni dating Mayor Joey Marquez , na bininyagan nilang ‘Rasputin’ ng Parañaque City Hall.

Sa mga hindi nakaaalam, si Rasputin ang pinaka-kinamumuhiang tao sa Russia noong panahon ni Czar Nicholas II, ang huling Czar ng Russia at isa mga dahilan kung bakit napatalsik siya sa puwesto.

Naging sunud-sunuran kasi si Czar Nicholas at ang asawa na si Czarina Alexandra sa mga sablay na payo ni Rasputin na nagresulta sa pagka-pahamak niya at ng kanyang buong pamilya.

Sinabi ng mga nagrereklamo na ganitong-ganito rin ang nangyayari ngayon sa Parañaque City Hall dahil pumopormang little mayor at ang nasusunod sa pamamalakad doon umano ay si ‘Rasputin.’

Kahit kasi may mga iniutos na at pinirmahang papel si Mayor Edwin ay nagagawa pa raw hara-ngin at hindi ipatupad ang mga mga kautusan kung hindi kursunada ni Rasputin ang nakasaad doon.

What the fact!?

Grabe rin ang power trip ng kumag na ‘Rasputin’ dahil gusto niyang siya ang kilalaning boss ng lahat ng mga department head sa city hall, at ang lahat ng hindi sumusunod sa kanya ay tiyak na sisiraan niya hanggang masibak o ‘di kaya naman ay pulutin sa kangkungan.     

Ang ipinagtataka ng mga nagrereklamo ay kung paano nakaporma sa city hall gayong sinusuportahan niya ang anak ni dating Mayor Joey Marquez na si Jeremy, na tumatakbo bilang vice mayor ng lungsod kalaban ng manok ni Olivarez  na si incumbent Mayor Rico Golez.

Sa isang lihim na pagpupulong ay idineklara  pa raw ni ‘Rasputin’ na kapag nanalong vice mayor si Jeremy ay tiyak na siya na ang susunod na mayor dahil mauulit aniya ang kasaysayan na “Marquez lang ang tatalo sa Olivarez.”

Ogag pala talaga si alias Rasputin?!

Kaya naman binabalaan natin si Mayor Olivarez at si Mayora Janet dahil baka hindi nila alam na may ahas sa kanilang bahay, na kaya hindi takot gumawa ng kabulastugan ay dahil may manok siyang gustong gawin niyang mayor.  

Ang isa pang ipinagtataka ng mga nagrereklamong empleyado ay kung paano pang nakapasok sa gobyerno ang ‘Rasputin’ na ‘yan gayong sanrekwang kasong graft ang kinasasangkutan niya maging noong panahon pa ng totoong bossing niya na si Joey Marquez.

Convicted na siya sa Ombudsan dahil sa textbook scam na nangyari noong 1998 at ibinasura na ng Supreme Court ang apela niya sa kaso kaya ang parusa sa kanya ay hindi na siya maaaring humawak ng ano mang puwesto sa gobyerno habambuhay at forfeited din ang kanyang mga suweldo at benepisyo.

Kaya naman marami ang nagtatanong kung bakit nakabalik pa at malakas pa ang loob na pumirma sa mga dokumento na sa huli ay pinangangambahang maaaring magpahamak din kay Olivarez.

Kaya kung ako kay Olivarez, dapat siyang mag-ingat sa ahas na iyan at sibakin na niya agad sa puwesto bago pa siya ipahamak nang tuluyan!

Ano nga ba ang sumisira sa bakal?

Hindi ba kalawang, Rasputin!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *