Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

P.2-M alok ng Malabon mayor vs killer ni Mañalac

NAG-ALOK ng P200,000 reward si Malabon City Mayor Len-Len Oreta sa sino mang makapagtuturo sa suspek na pumatay kay 2nd District Councilor Merlin “Tiger” Mañalac.

Ang nasabing konsehal ay namatay makaraang barilin ng hindi nakikilalang suspek na lulan ng motorsiklo sa harapan ng kanyang bahay kamakalawa.

Nagawa pang itakbo sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.

Anak ng dating konsehal at pulis na si Colonel Boyong Mañalac ang pinatay na konsehal.

Samantala, inako ng Partisano (Armadong Operatiba ng Partido Marxista-Leninisita ng Pilipinas) ang nasabing pagpatay.

Nakasaad sa kanilang inilabas na kalatas sa pamamagitan ng kanilang lider na si Leni Katindig, na ang konsehal ay itinuturong nasa likod sa pagpatay sa kanilang kasamahan na si Ka Peter Villaseñor na miyembro ng New People’s Army (NPA) at kanilang ginawa ang pagpatay bilang parusa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …