Sunday , December 22 2024

Disaster preparedness ipasok – Romualdez (Sa K-12 Curriculum)

012516 FRONT“SA isang bansang palagiang nasa banta ng mga kalamidad gaya ng bagyo at lindol, kailangan natin ng mga mamamayang batid ang ikikilos sakaling tumama ang ano mang sakuna.”

Ito ang pahayag ni Leyte Rep. Martin Romualdez ngayong Linggo kasabay ng panawagan sa sektor ng edukasyon na isama ang “Disaster Preparedness” sa mga asignaturang itinuturo sa K-12 curriculum upang matiyak ang kahandaang tumugon nang lahat sakaling manalasa ang natural na kalamidad saan mang bahagi ng bansa.

“Tayong lahat ay nasa peligro dahil sa klima at ‘geological’ na katangian ng ating kapuluan,” giit ni Romualdez, na ang kinakatawang distrito ay lubhang sinalanta ng Bagyong Yolanda sa bansa noong Nobyembre 2013.

Bilang pinakamalakas na bagyong nakatala sa kasaysayan, ang bagyong Yolanda ay kumitil ng 6,000 sa ating mga kababayan. Karamihan sa kanila ay mula sa probinsiya ng Leyte na 5,370 sa mga kalalawigan ni Romualdez ang nasawi.

Ayon kay Romualdez, kumakandidatong senador, bunsod umano sa mapait na karanasang hatid ng Yolanda, “nararapat lamang gumawa tayo ng mga hakbang upang ang ating mga kababayan ay mabigyan ng kaalaman na siyang magliligtas sa kanila sa ganoon kalaking sakuna.”

“Kailangan na nating kumilos ngayon upang ihanda ang ating mga kababayan bago pa man muling manalanta ang bagyong kasinglakas ng Yolanda. Maiiwasan ng ating pagkilos ngayon ang pagkasawi ng maraming buhay sa hinaharap.”

Nasa edukasyon umano ang susi, ayon sa abogadong mambabatas mula sa UP.

“Malaking tulong man ang ibinibigay ng mga infomercial upang ituro sa publiko ang kahandaan sa kalamidad, hindi sapat ang mga ito,” paliwanag ni Romualdez.

“Mula pagkabata, dapt itinuturo na sa mga estudyante ang ‘basics of disaster preparedness’ para, katulad ng kanilang ABC, gamay na gamay na nila ito,” ayon sa mambabatas ng Leyte.

Dagdag ni Romualdez, kapapalooban ang asignaturang ito ng mga senaryong posibleng mangyari kapag ang isang lugar ay tamaan ng pagbaha, daluyong o ‘storm surges’ at malalakas na lindol. Ituturo din dito ang tamang pagkilos sakaling mangyari ito, kabilang ang ruta ng paglikas at mga ligtas na lugar na mapagsisilungan, basic first aid, CPR, at iba pang kaugnay na leksiyon.

Ang Department of Education at ang National Disaster Risk Reduction and Management Council ang mangunguna sa pagbuo ng curricula, sa pakikipag-ugnayan ng Department of Science and Technology at ambag ng mga eksperto sa disaster preparedness, paliwanag ng mambabatas mula sa Visayas.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *