Sunday , December 22 2024

2 pulis, sundalo tiklo sa drug bust (Sa Sultan Kudarat)

KORONADAL CITY- Dalawang police officer at isang miyembro ng Philippine Marines ang naaresto ng mga awtoridad sa drug buy bust operation sa Brgy. Tibpuan, Proper Lebak, Sultan Kudarat pasado pasado 6 p.m. kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina PO1 Hamid Kahrun, nakadestino sa Police Regional Office ng ARMM, PO3 Bernardo Uy, nakadestino sa Palomo Matina Provincial Headquarters Davao City at Sgt. Arwin Agrigado, miyembro ng Philippine Marine at nakadestino sa Marine Batallion sa coastal area ng Sultan Kudarat.

Pawang mga AWOL ang estado ng tatlong suspek.

Nakuha sa kanila ang 17 small sachet ng shabu, 1 large sachet, drug paraphernalia, P500 buy bust money at cash na P 6, 677.

Habang arestado rin ang tatlong iba pa na nahuli sa akto sa compound habang nagpa-pot session.

Kinilala ang mga suspek na sina John Michael Pedrano, Ahkmad Guiamel at Ronald Fernando Jr., pawang nasa hustong gulang at mga residente ng nasabing barangay.

Ang nasabing operasyon ay isinagawa ng Sultan Kudarat CIDG, Sultan Kudarat intelligence Division at Lebak PNP.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *