Friday , November 15 2024

INC nanawagan ng tulong sa AFP (Kampihan ng militar at kritiko bubusisiin)

012216 FRONTMATAPOS isapubliko ang maaaring pagkakasangkot ng mga opisyal ng Philippine Marines na nagbibigay ng seguridad kay Lottie Hemedez at sa pamilya nito, mariing nanawagan sa pamunuan ng Hukbong Sandatahan ang ilang pinuno ng Iglesia na imbestigahan ang eskandalo.

Ayon sa tagapagsalita ng INC na si Bro. Edwil Zabala, “maanomalyang partisipasyon ng mga kawani ng Armed Forces of the Philippines sa isang usaping legal at relasyong pribado, kung sakaling totoo.”

“Nararapat lamang na magsagawa ng malalimang imbestigasyon ang angkop na ahensiya ng pamahalaan hinggil sa panibagong eskandalong kinasasangkutan ng militar na ibinalita ng media lalong-lalo na sa harap ng mga ulat na ilan sa mga dating opisyal ng military establishment ay madalas makitang kasa-kasama at nagsisilbing security escorts ng grupo ni Ginoong Angel Manalo at Ms. Hemedez,” ayon kay Zabala.

Noong nakaraang Oktubre, ang abogado ni Hemedez na si Atty. Trixie Angeles ay naidokumentong may kasamang mga dating opisyal ng militar nang magtangkang pasukin ang INC compound sa Tandang Sora.

Bago ang insidenteng ito, puwersahan din umanong sinubukan ng Oakwood mutineer na si dating Army Capt. Nicanor Faeldon na pumasok doon.

Si Faeldon ay kilalang dating kliyente ni Angeles na siyang kumatawan sa rebeldeng opisyal ng Philippine Army noong dinidinig ang kaso nito sa hukuman dahil sa kanyang partisipasyon sa Oakwood mutiny noong 2003.

Ayon kay Zabala, ang serbisyong ibinibigay ni Faeldon at ng iba pang mga dating kagawad ng militar sa grupo ni Hemedez at Manalo sa maraming pagkakataon ay “nagpapatotoo lamang sa isinapublikong expose ng media tungkol sa pagkakaroon ng mga dokumentong magpapatunay sa alegasyon na ilang mga miyembro ng Philippine Marines ang nagpapagamit bilang security escorts ng mga itiniwalag na miyembro ng INC.”

Nagpahayag din ng pagkabahala si Zabala dahil ang patuloy umanong “pagkakasangkapan ni Hemedez at ng kanyang pamilya sa ilang kagawad ng militar” ay maaaring maglagay sa buhay ng mga security personnel ng INC na itinalagang magbantay sa  nabanggit na Tandang Sora property “sa balag ng alanganin at peligro.”

“Walang laban ang security guards namin sa mga marines, iniiwasan natin dito na may masaktan dahil sa pagtupad nila sa tungkulin. ‘Wag naman sanang umabot sa ganon.”

Ayon sa ministro, kung mapapatunayan na ang mga armadong bodyguard ni Hemedez ay kabilang sa aktibong hanay ng mga sundalo, “nararapat lamang na ipatupad ng AFP ang batas at ipataw sa kanila ang ano mang parusang angkop, dahil hindi kailanman tamang gamitin ang ating mga sundalo bilang private army nino man.”

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …

Principal

PH public schools kapos sa principal

BINIGYANG-DIIN ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahang mapunan ang pagkukulang ng mga punong-guro sa mga …

AMLC

Bigtime money launderer dapat arestohin ng AMLC

UMAPELA si Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na palakasin ng Anti-Money Laundering …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *