Sunday , December 22 2024

Failure of election sa Mindanao pinangambahan

HINAMON kahapon ni senatorial candidate at Leyte Rep. Martin Romualdez ang Department of Energy (DoE) na maglabas ng mga plano hinggil sa posibleng magaganap na failure of election sa Mindanao matapos ng sunod-sunod na pambobomba sa mga power transmission.

Sinabi ni Romualdez na dapat siguraduhin ng Aquino administration at ng DoE sa publiko na kaya ng gobyerno na kaya nilang sustinahan ang supply ng koryente lalong-lalo na sa darating na eleksiyon at kung hindi, ito ang maglalagay para ideklara ang sinasabing failure of election. 

“The DoE must assure the public that there will be adequate power supply on May polls especially in Mindanao,” ani Romualdez,

Ayon sa mambabatas, kung hindi mabibigyan ng agarang solusyon ang sunod-sunod na pambobomba  sa mga power transmission sa Mindanao ay may potensiyal na magkaroon ng failure of election. Ang nasabing rehiyon ay pangalawa sa may pinakamataas na voting population na may kabuuang 13 million botante. 

Nanawagan si Romualdez na bigyang-pansin ng gobyerno at papanagutin ang mga responsable sa pagpapasabog sa power transmission nang sa gayon ay maiwasan ang failure of election.

Dagdag ni Romualdez, ang gobyerno ang dapat gumawa ng paraan para mahuli ang mga responsable sa pagbobomba sa 18 power transmmision sa Mindanao nitong 2015. Kailangan itong mahinto, hulihin at papanagutin sa batas.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *