Friday , November 15 2024

Passenger plane muntik madisgrasa sa ‘laser’ light (Sa Iloilo City)

ILOILO CITY – Iniimbestigahan ng mga pulis kung sino ang gumamit ng search at laser light na inireklamo ng piloto ng dalawang passenger plane na papalapag at paalis sa Iloilo International Airport sa Cabatuan.

Sa report ng piloto ng Flight 2P2145 ng Philipine Airlines na Manila-Iloilo at Flight 2P2146 na Iloilo-Manila, may gumamit nang nakasisilaw na search light at ito ay umabot hanggang sa kanila sa cockpit ng eroplano.

Agad nag-usisa ang Civil Aviation Authority of the Philipines (CAAP) pati na ang municipal police station sa bayan ng Tigbauan at Oton na pinaniniwalaan doon nagmumula ang search light.

Ayon kay PO2 Ian Lim, imbestigador ng Tigbauan Municipal Police Station, hindi pa nila matukoy kung saan nagmumula ang search light.

May hinala rin ang mga awtoridad na nagmumula sa bayan ng Oton o Cabatuan ang search light na mababa na ang lipad ng mga dumaraan na eroplano dito dahil papalapag na ang mga ito.

Ipinaliwanag ng mga piloto, nakasisilaw sa kanila ang search light at dahil dito nalalagay sa panganib ang kanilang eroplano.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *