Friday , November 15 2024

Pangalan ni Poe nasa balota kung walang ruling sa Feb 1 (Ayon sa Comelec)

TIYAK na mapapasama sa balota ang pangalan ni Sen. Grace Poe sa oras na hindi makapaglabas ng desisyon ang Korte Suprema hanggang sa Pebrero 1, 2016 kaugnay nang nakabinbing disqualification cases sa hukuman.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, isinasapinal na nila ngayon ang listahan ng mga kandidato na mapapasama sa paglimbag ng balota para sa eleksiyon sa Mayo.

Nakatakda na ang pag-imprinta ng election ballots sa Pebrero 1.

Habang ang Korte Suprema ay hindi pa tapos sa oral arguments kaugnay ng kaso ni Poe, at panig pa lamang ng senadora ang nakapaghain ng kanilang argumento.

Ipagpapatuloy ang oral arguments sa Enero 26 at hindi pa tiyak kung kailan makapagpapalabas ng desisyon ang Korte Suprema sa kaso ni Poe.

About Hataw News Team

Check Also

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Scam fraud Money

Nagpanggap na kaniyang pamangkin, Babae sa Tarlac tiklo sa online love scam

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang babaeng kinilalang si alyas “Tita” matapos magpanggap na kaniyang …

Dead Rape

Paglipas ng tatlong lingo
DALAGANG NAWALA SA KASAGSAGAN NG BAGYONG KRISTINE NATAGPUANG BANGKAY

NATAGPUAN ang katawan ng isang 18-anyos estudyante na napabalitang nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng …

Motorcycle Hand

3 motorsiklo bigong masikwat, armadong kawatan timbog

ARESTADO ang isang lalaking pinaniniwalaang responsable sa sunod-sunod na pagnanakaw ng motorsiklo matapos muling magtangkang …

Sa Gintong Kabataan Awards NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

Sa Gintong Kabataan Awards
NATATANGING KABATAANG BULAKENYO PARARANGALAN

NAKATAKDANG maganap ang pinakahihintay na Araw ng Parangal ng taunang Gintong Kabataan Awards (GKA) ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *