Friday , November 15 2024

Chiz binatikos si Tatad sa pambu-bully (Sa petisyon laban sa TV ad ni Poe)

012016 FROTN“Pati ba naman TV ad gustong ipa-DQ?”

Ito ang naging tugon ni vice presidential frontrunner Sen. Francis “Chiz” Escudero sa petisyong isinampa ng dating senador na si Francisco Tatad na humihimok sa Korte Suprema na aksiyonan ang pinakahuling TV ad ni Sen. Grace Poe na nagsasabing hindi siya disqualified at pasok-na-pasok pa rin siya sa karera ng panguluhan sa Mayo.

Ang petisyon umano ni Tatad, ayon kay Escudero, ay naglalayong ipagkait kay Poe ang kanyang karapatang ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa sinasadyang mga hakbang upang linlangin ang publiko sa tunay na estado ng kanyang pagtakbo bilang pangulo.

“Ang ad na tinutukoy dito ay lumalabas na pangontra sa pagpapalaganap ng maling impormasyon ng kanyang mga katunggali upang himukin ang mga botanteng hindi na siya (Poe) iboto dahil diskwalipikado na, samantala ang totoo ay nasa karera pa rin siya dahil wala pang inilalabas na pinal na kapasyahan ang Korte Suprema sa mga petisyong kanyang isinampa laban sa mga desisyong isinapubliko ng Comelec kamakailan,” ayon kay Escudero.

Ang nakabinbing apela ni Poe sa hukuman ay laban sa dalawang desisyon ng Commission on Elections na nagkakansela sa kanyang certificate of candidacy bilang pangulo dahil umano sa “material misrepresentations” hinggil sa kanyang citizenship at sa panahon ng kanyang paninirahan dito sa bansa.

Isa sa mga petisyong humihiling sa diskwalipikasyon ni Poe na pinagdesisyonan ng Comelec ay isinampa ni Tatad.

Si Tatad ay kilalang kaalyado ni Vice President Jejomar Binay, na kandidato rin bilang presidente sa halalan sa Mayo.

Binatikos ni Escudero si Tatad sa kanyang ‘pang-aapi’ kay Poe samantala ‘kinokonsinti’ naman si Binay na gumamit ng mga political ads upang tumugon sa mga alegasyon ng korupsiyon at katiwaliang ipinupukol sa pangalawang pangulo, imbes humarap sa serye ng mga imbestigasyong isinagawa ng Senado.

“’Pag sa iba okay lang na gamitin ang political ad para sagutin ang mga akusasyong pagnanakaw sa kaban ng bayan pero ‘pag kay Sen. Grace na nilalabanan ang maling impormasyon tungkol sa kanyang kandidatura, e hindi pwede? Hindi naman po siguro tama ‘yun,” ayon sa beteranong mambabatas mula Bicol.

Isina-ere kamakailan ng kampo ni Poe ang isang 30-seconder TV ad na nagpapaliwanag sa publiko na siya ay kandidato pa rin bilang pangulo sa halalan sa darating na Mayo, bagamat diniskwalipika ng Comelec, wala pang pinal na kapasyahan ang Korte Suprema hinggil sa mga bagay na ito.    

Tampok sa nasabing patalastas ang usapan sa tapat ng isang maliit na tindahan ng dalawang lalaki at dalawang babae tungkol sa mga kasong nagdidiskwalipika kay Poe at ang katulad ding pinagdaanan ng kanyang yumaong ama na si Fernando Poe, Jr., noong 2004 presidential election.

Ang nasabing patalastas ay tugon ng kampo ni Poe sa mga maling impormasyon na ipinapalaganap ng mga grupong nasa likod ng mga kasong nagpapadiskwalipika sa kanya, na naglalayong gibain ang kredibilidad at ibaba ang kanyang malaking tsansang manalo bilang pangulo sa halalang nalalapit.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *