Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bebot dedbol sa bundol, driver ng SUV kinuyog

DAGUPAN CITY – Agad binawian ng buhay ang isang babae makaraang banggain ng isang SUV habang naglalakad sa gilid ng kalsada sa Cabanatuan, Nueva Ecija kamakalawa.

Bali ang balakang ng biktimang si Ella Lopez na tumilapon pa ng ilang metro dahil sa lakas ng impact bago nabagok ang ulo nang tumama sa konkretong poste.

Nabigla ang mga kaibigan niyang kasamang naglalakad ng biktima.

Bago ang insidente, napansin nila na tatlong beses nagpabalik-balik ang SUV na tila may hinahanap hanggang tuluyang sinalpok ang nakatalikod na dalaga.

Tinangka pang tumakas ng driver ngunit hinabol ng mga residente sa lugar dahilan para bumangga ito sa isang tricycle bago inararo ang katabing gusali.

Dito na kinuyog ang suspek at agad dinala sa himpilan ng pulisya.

Hindi pa malinaw kung paano nabangga ng sasakyan ang biktima ngunit desidido ang pamilya ng babae na kasuhan ang nakabanggang driver.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …