Friday , November 15 2024

AFP routine patrols sa border ng bansa tiniyak

AMINADO ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na hindi nila nababantayan 24/7 ang borders ng bansa dahil sa napakalawak nito gayon man sinisiguro ng militar na mayroon silang ginagawang routinary patrols sa bahagi ng southern Philippines na tinagurian din backdoors ng bansa.

Ayon kay AFP spokesperson BGen. Restituto Padilla, bukod sa routine patrols ng pamahalaan mayroon din silang joint border exercises sa pagitan ng mga bansang Malaysia at Indonesia na taunang aktibidad.

Layon nito na mapaigting pa ang relasyon at interoperability ng Filipinas sa dalawang bansa.

Sinabi ni Padilla, mahigpit ang ginagawang patrolya ng militar sa border lalo na sa bahagi ng Tawi-Tawi dahil sa mga ulat na namamayagpag ang smuggling activities sa backdoor ng bansa.

Inihayag ni Padilla, hindi malayong may nakalulusot na mga intruder o sino mang mga determinadong indibidwal lalo na kapag may alam sila sa lugar kung kaya’t ginagawa ng mga awtoridad ang lahat para mabantayan ang napakalawak na border ng bansa.

Pagbibigay-diin ni Padilla, kapwa may mga kaukulang security measures na ipinatutupad ang Filipinas maging ang dalawang neighboring countries na Malaysia at Indonesia kaugnay sa pagbabantay sa border.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *