Friday , November 15 2024

Sama-samang aksiyon laban sa kahirapan (INC nanawagan)

011916 FRONTSA ulat na kalahati sa bilang ng pamilyang Filipino ay itinuturing na mahihirap, nanawagan ang Iglesia Ni Cristo (INC) sa bansa na sama-samang labanan ang kahirapan sa pagpapatuloy ng kanilang “anti-poverty outreach program” na naglalayong bigyan ng “tunay, makatotohanan at kongkretong paglingap” ang komunidad sa kanayunan sa buong bansa.

Ayon kay INC General Auditor Glicerio B. Santos, Jr., ang Iglesia ay namahagi nitong Sabado ng 20,000 goodie packs at 15,000 piraso ng damit sa mga residente ng Brgy. Zulueta, Nueva Ecija sa ilalim ng Lingap-Pamamahayag program at 1,200 grocery packs noong Linggo sa Antipolo City Jail bilang pagtugon sa direktiba ni Executive Minister Eduardo V. Manalo sa pagpapaigting ng mga proyektong nakatuon sa pagtulong sa mahihirap. 

“Ang INC ay tumutulong sa kapwa kahit na ano ang religion at nag-aambag sa pangkalahatang kilos at galaw para sa kaginhawaan ng bawat pamilya. Kahit na may mga ulat na ang ‘self-rated poverty’ ay bumaba sa pamamagitan ng mga hakbang ng pamahalaan, dahil kalahati pa rin ng kabuuang bilang ng mga pamilya sa buong bansa ay naghihikahos, kailangan natin kumilos para tugunan ito,” ayon kay Santos.

Inilabas ng SWS kamakailan lamang ang resulta ng 2015 fourth quarter survey sa self rated poverty at self-rated food poverty na nagsasabing 50 porsiyento ng pamilyang Filipino ay itinuturing pa rin ang kanilang mga sarili bilang mahirap, at nagpapakita na ang resultang ito ay apat na porsiyentong mas mababa kaysa karaniwang resulta noong taon 2014.

Ang survey mula Disyembre 5-8, 2015 sa 1,200 respondents, nasa tamang edad ay nagpapakita rin na 33 porsiyento ng mga pamilya sa bansa ay naghihirap sa pagkain o food-poor. Ito ay dalawang porsiyentong mas mababa kaysa 35 porsiyentong naitala noong nakaraang Setyembre.

Sa gitna ng mga tala sa numerong ito, sinabi ni Santos na ang INC ay naniniwala na “ito ang hamon ng panahon: ang isantabi ang ating pagkakaiba, ang ating mga motibong pansarili, at gawin ang nararapat para tunay na tulungan ang ating mga kababayan, imbes pag-usapan lamang ang kalagayang ito.”

Sa unang linggo pa lamang ng taon, namahagi ang INC ng grocery items sa mga residente ng Brgy. Maharlika sa Lungsod ng Taguig.

Kamakailan, pinasinayaan ng Iglesia ang pagtatayo sa loob ng 16,000 ektaryang lupain sa Cotabato ng mga plantasyon ng saging, mais, palay at kape upang bigyan ng pagkakakitaan ang 8,400 miyembro ng Lumad at B’laan indigenous communities.

“Ano man ang iyong kinabibilangang politika o pinaniniwalaang relihiyon o adbokasiya, ang kahirapan ay isang kaaway na dapat labanan nating lahat. Mas mapagtatagumpayan natin ito kung sama-sama nating pagsusumikapang labanan,” giit ni Santos.

Sa ilalim ng pamumuno ni Executive Minister Eduardo Manalo, lalo pang pinaigting ng INC ang mga proyekto laban sa kahirapan katuwang ng mga socio-civic activities na isinasagawa sa ilalim ng Felix Y. Manalo Foundation.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *