Friday , November 15 2024

PNoy walang ginawa para iligtas SAF 44 (Sabi ni Enrile)

TINIYAK ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile na may mga ebidensya siya para patunayan na direktang may kinalaman “actively at directly” si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa operasyon laban sa teroristang si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan na ikinamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF).

Sa unang araw ng sesyon ng Senado sa taon 2016, tumayo si Enrile sa plenaryo ng Senado at nagpatikim na ang senador sa pagdiin kay Pangulong Aquino sa madugong operasyon ng SAF troopers.

Binigyang diin ni Enrile, may mga ebidensiya siyang ilalahad sa muling pagbubukas ng imbestigasyon ng Senate Committee on Public Order na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe, na walang ginawa ang Pangulo habang pinapatay ng mga bandido ang SAF troopers.

“While the operation was going on and the SAF units were being slaughtered, he did not do anything at all and I’m going to prove these with evidence in that hearing,” wika ni Enrile na tumutukoy kay Aquino.

Si Enrile, siyang nagsulong nang muling imbestigasyon sa Mamasapano encounter, ay hindi nakadalo sa mga unang pagdinig ng komite ni Poe dahil nakapiit siya sa PNP General Hospital bunsod nang kinakaharap na kasong plunder nang masangkot sa kontrobersiyal na multi-billion peso pork barrel scam.

Nabatid na nakatakda sa Enero 27 ang pagdinig ng Senado sa Mamasapano encounter.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *