Friday , November 15 2024

Pinay, asawang Egyptian tiklo sa Kuwait (250 kls. shabu, 4-K narcotic pills nakompiska)

INIHAHANDA na ang mga kasong isasampa laban sa isang Filipina at asawa niyang Egyptian sa Salimya, Kuwait makaraang madakip sa isinagawang drug-buy bust operation.

Ayon sa ulat, patuloy pang inaalam ang pangalan ng naturang Filipina at ang kanyang asawa.

Ayon sa Kuwaiti authorities, nakuha sa bahay ng mag-asawa ang 250 kilo ng shabu na nakasilid sa envelop at 4,000 narcotic pills na nagkakahalaga ng 2,000 Kuwait dinar o mahigit P314,000.

Sa impormasyon, napag-alaman na nagtatrabaho sa isang supermarket sa nasabing bansa ang nasabing Filipina at sideline niya ang pagbebenta ng ilegal na droga.

Halos P1-m shabu kompiskado sa raid sa Agusan Sur

BUTUAN CITY – Inihahanda na ng mga tauhan ng Agusan del Sur Police Provincial Office ang kasong isasampa laban sa isang hinihinlanag drug pusher makaraang makompiskahan sa kanyang bahay ng halos isang milyong pisong halaga ng ilegal na droga.

Nakompiska ng pulisya ang isang pouch na may lamang 13 sachets ng suspected shabu na tinatayang may bigat na 80 grams mula sa pamamahay ni Nurmallah Mamao Yusof, residente ng Purok 2-B, Borre St., sa Bayugan City at isa sa mga nasa drug watchlist ng pulisya.

Nagkakahalaga ito ng P944,000, at nakuha rin sa kanyang posisyon ang isang digital weighing scale at transparent na plastic sachets.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *