Friday , November 15 2024

Kampanya vs terorista dapat paigtingin — Alunan

IGINIIT ni dating Department of Interior and Local Government Secretary Rafael Alunan III  na dapat paigtingin ng pamahalaan sa pamamagitan ng pulisya at militar ang paglaban sa mga miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na matagal nang nakipag-alyansa sa barbarong Islamic State of Syria and Iraq (ISIS).

Ayon kay Alunan, hindi dapat maging kampante ang pulisya at militar lalo’t nagsagawa na ang mga miyembro ng ISIS ng terorismo sa Thailand at Indonesia at kamakalawa lamang ay may nahuling suicide bomber na umaming inutusan ng teroristang grupo na magsagawa ng pambobomba sa mataong lugar sa Malaysia.

“Noong 2014 pa nanumpa ng katapatan ang Abu Sayyaf sa ISIS na walang kaibahan sa dating kaalyado nitong Al Qaeda at iisa ang kanilang layunin—ang magtatag ng global caliphate sa pamamagitan ng karahasan,” ani Alunan na kandidatong senador sa Mayo.

“Mula Al Qaeda hanggang ISIS, iisa ang kanilang paraan—pumatay nang pumatay para maitaboy ang mga kuffar o infidels. Pareho ang kanilang larangan ng digmaan, ang Basilan, Sulu Western at Central Mindanao,” paliwanag ni Alunan. ”ISIS claims responsibility for Jakarta attack. Matagal nang sinasabi na ang ISIS ay gumagalaw sa ating parte ng mundo. Ang training ground nila ay nasa Mindanao kaya dapat na paigtingin ang kampanya laban sa lahat ng teroristang grupo roon.”

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *