Friday , November 15 2024

Armas sa terror attack sa Jakarta galing sa PH?

KINOMPIRMA ng opisyal sa Indonesia na ang mga baril at pampasabog na ginamit sa madugong pag-atake ng mga terorista sa Jakarta noong nakaraang linggo ay galing sa Filipinas.

Ang nasabing ulat ay mula sa panayam ng Wall Street Journal kay Indonesian police spokesperson Anton Charliyan.

Tinawag pang “well built” ang nasabing mga armas mula sa Filipinas.

Aabot sa siyam na mga baril ang nakompiska ng mga awtoridad sa Indonesia makaraan ang raid.

Nakuha ang impormasyon ng mga awtoridad sa Indonesia sa 12-anyas naaresto sa isinagawang raids makaraan ang madugong atake nitong Huwebes.

Report bubusisiin ng PNP

IIMBESTIGAHAN ng Philippine National Police (PNP) ang ulat na posibleng galing sa Filipinas ang mga armas at pampasabog na ginamit sa terror attack sa Jakarta, Indonesia.

Ayon kay PNP chief Director General Ricardo Marquez, hinihintay na lamang nila ang mga dokumento mula sa kanilang counterpart, ang Indonesian police, upang may batayan ang kanilang imbestigasyon.

Pahayag ni Marquez, mayroon silang umiiral na memorandum of understanding (MOU) sa Indonesian police kung kaya’t ano man ang resulta ng kanilang imbestigasyon ay tutulong ang PNP.

Una rito, may lumabas na report na ang mga armas at iba pang kagamitan na ginamit sa Jakarta bombing ay naipuslit mula sa southern Philippines.

Dagdag rito, sinasabing ilan sa mga nagsagawa nang pag-atake sa Jakarta ay mga Filipino na miyembro ng teroristang grupo.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *