Friday , November 15 2024

6 patay sa Tagaytay menor de edad na wala pang lisensiya

NATUKOY na ang pag-kakakilanlan ng apat mula sa anim namatay nang lumiyab ang kanilang sasakyan makaraang bumangga sa concrete barrier at puno sa Tagaytay City dakong 2:44 a.m. nitong Linggo.

Nabatid na pawang menor de edad ang mga biktima at wala isa man sa kanila ang may lisensiyang magmaneho.      

Sinabi ni Tagaytay City chief of police, Supt. Ferdinand Quirante, sakay ng Toyota Vios (AHA 5287) ang apat na lalaki at dalawang babae.

Nakita umanong ga-ling sa isang convenience store ang mga biktima at matuling binabaybay ang kahabaan ng Tagaytay-Calamba Road sa Bgy. San Jose.

Nagpagewang-gewang ang sasakyan hanggang binangga ang concrete barrier at puno.

Agad nagresponde ang mga barangay tanod na mabilis din tumawag sa mga pulis.

Tinangka ng mga tanod at mga pulis na ilabas ang mga biktima, ngunit nahirapan sila dahil sa pagkakayupi ng sasakyan.

“‘Yung pagkakatama roon sa tinatawag na concrete barrier ay masyadong ipit na ipit, pati ‘yung mga pintuan hindi mabuksan dahil halos kalahati ‘yung sasakyan.”

Habang sinusubukang ilabas ang mga biktima, biglng sumabog ang sasakyan.

“Kung gaano kalaki ‘yung sasakyan, ganoon din ‘yung apoy,” paglalarawan ni Quirante.

Una nang kinilala ng pulisya ang isa sa mga biktima na si Ronalyn Bautista, 17, ng Putol, Kawit, Cavite, batay sa ID na nakuha mula sa kanyang katawan.

Ang iba pang biktimang natukoy ay sina Jamie Gubaton-Garcia, 16, ng Putol, Kawit, Cavi-te; John Paul Tena, 15, mula sa Buhay na Tubig, Imus, Cavite; at John Rosel Garcia, 15, ng Buhay na Tubig, Imus, Ca-vite. Patuloy pang kinikilala ng mga pulis ang dalawa pang lalaki.

Nakalagak sa Mel Funeral Home Services ang labi ng mga biktima.

Inaanyayahan ni Quirante ang mga posibleng kaanak na magtungo sa kanilang estasyon.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *