Monday , December 23 2024

Veto sa pension hike may epekto sa LP candidates (Ayon sa analyst)

MAY epekto sa kandidatura ng mga kaalyado ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang veto niya sa Social Security System (SSS) pension hike, ayon sa isang analyst.

Sa panayam sa isang radio station, sinabi ng political analyst na si Prof. Edmund Tayao, ang usapin ng dagdag-pension ay makatutulong sa publiko.

“Definitely, this is going to affect the candidacy of the administration candidates, because we’re not only talking of something that is partisan. We are talking of a policy or a program that is really substantive, maka-tutulong talaga sa mga tao,” ani Tayao.

Nagiging palaisipan aniya tuloy sa publiko kung bakit pinaninindigan ni Aquino na malulugi ang SSS pagdating ng 2029 kung ibibigay ang P2,000 increase, gayong marami ang nagsasabing hindi ito maka-aapekto sa katatagan ng SSS kundi ay makabubuti pa sa pangkalahatang ekonomiya ng bansa.

“Hindi natin maiiwasan na ito talaga ay magi-ging batayan ng mga tao sa pagpili ng kanilang mga kandidato,” dagdag ni Tayao.

“Marami ngang nagsasabi kung ang iboboto mo administration candidate, ibig sabihin you will have to live with the same set of officials running the key offices or agencies of government… Kung ganyan pa ‘yung mga ginagawa nila, definitely this is something that will not benefit the candidate.”

Ibinalik ni Aquino sa Kongreso ang panukalang batas sa SSS pension hike nang hindi ito pinipirmahan.

Maaari pa itong ipasa ng Kongreso kung boboto para rito ang 2/3 ng kabuuang bilang ng mga mambabatas.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *