Sunday , December 22 2024

Pewee, Roxas ‘butata’ sa state prosecs (Hatol ng Sandiganbayan iniapela)

TINUTULAN ng state prosecutorts ang apela ni dating Pasay City mayor Wenceslao “Pewee” Tri-nidad para sa rekonside-rasyon sa kanyang conviction sa graft kaugnay sa public market mall project.

Sina Trinidad at Pasay Rep. Jose Antonio Roxas ay nahatulan ng Sandiganbayan noong Nobyembre 2015 bunsod nang pagbibigay ng hindi awtorisadong benepisyo sa Izumo Contractors Inc., sa pagkakaloob ng kontrata para sa konstruksiyon ng P489.95-milyon Pasay City mall and public market noong 2003.

Naghain si Trinidad ng motion for reconsideration habang si Roxas ay nagsampa ng “omnibus motion for a retrial for lack of merit.”

Si Trinidad ay dating chairman ng Pre-Qualification Bids and Awards Committee (PBAC) habang si Roxas ay miyembro ng PBAC at councilor nang mabuo ang kontrata.

Sinabi ng korte, ibinigay ni Trinidad bilang PBAC chair, ang kontrata sa Izumo bagama’t ang PBAC ay binuwag para bumuo nang bagong BAC alinsunod sa Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act.

Ayon sa desisyon ng korte, muling binuhay nina Trinidad at Roxas ang PBAC para sa bidding bagama’t wala silang awtoridad na gawin ito, “thereby (giving) unto the latter (Izumo) unwarranted benefits, advantage, and preference…”

Hinatulan din ng korte si Trinidad sa paglabag sa Article 237 ng Revised Penal Code dahil sa matagal ng pananatili sa tungkulin at kapangyarihan.

Sa apela sa kanyang conviction, sinabi ni Trini-dad, nagkamali ang korte sa desisyong may pana-nagutan siya sa pagbuhay sa PBAC bagama’t ito ay buwag na.

Tinukoy niya ang invitation to bid na inisyu noong Oktubre 3, 2003, o limang araw bago ang pagpapatupad ng rules and regulations ng bagong batas na naging epektibo noong Oktubre 8.

Tinukoy rin niya ang bagong procurement law, sinasabing ang advertisements and invitations to bid na inisyu bago ang pagiging epektibo ng batas ay maaari pang pagtibayin ng procuring body.

Ngunit sinabi ng prosekusyon, nabigo si Trinidad na banggitin na siya ang nag-isyu ng isa pang invitation to bid noong Oktubre 23, 2003, o makaraan ang pagiging epektibo ng batas, kaya ang unang imbitasyon ay hindi valid.

Gayondin, nag-isyu si Trinidad ng executive order (EO) na nagbubuo sa bagong BAC noong Disyembre 29, 2003, kaya ang bagong BAC ang da-pat na nagpatupad ng procurement activities.

Ngunit nagpatuloy pa rin si Trinidad sa pamumuno ng lumang BAC at itinuloy ang pagbubukas ng bids noong Enero 31, 2004, ayon sa prosekus-yon, kaya ilegal na naibi-gay ang benepisyo sa Izumo Contractor.

Sa kanyang apela, hiniling ni Roxas sa korte na magsagawa ng muling pagdinig sa kaso dahil ang kanyang abogado ay nagkamali sa pagdepensa sa kanya sa asunto.

Sinabi ng prosecutors sa korte, nabigo si Roxas na magtakda ng angkop na grounds para sa retrial, na bago at material evidence, gayondin, ang pagkakamali sa batas o iregularidad ay nakasama sa akusado.

Dagdag ng prosekusyon, hindi maaaring igiit ni Roxas ang retrial dahil sa kapabayaan ng kanyang abogado. Idinagdag na si Roxas ay damay sa aksiyon ng kanyang abogado.

Para sa graft case, sina Trinidad and Roxas ay hinatulan na makulong sa minimum na anim taon at isang buwan hanggang 10 taon sa maximum, at perpetual disqualification mula sa public office.

Sa conviction sa ma-tagal na pananatili sa public office, sina Trini-dad at Roxas ay hinatulan ng apat na buwan at 21 araw arresto mayor sa minimum, hanggang isang taon at 11 araw prision correccional sa maximum at special temporary disqualification sa public office sa period na anim taon at isang araw. Iniutos din ng korte na sila ay magmulta ng P200.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *