Sunday , December 22 2024

Pananagutan ni PNoy sa SAF 44 patutunayan ni Enrile

NAIS patunayan ni Senator Juan Ponce Enrile kung bakit responsable si Pangulong Benigno Aquino III sa pagkamatay ng 44 miyembro ng Special Action Focre (SAF).

Sa muling pagbukas ng Mamasapano probe sa Enero 27, “ipapakita ko nang maliwanag kung ano ang nangyari sa operasyon” at kung bakit “ultimate responsible” ang pangulo sa madugong operasyon.

Aniya, inimbitahan niyang dumalo sa pagpupulong para sa pagsisiyasat, sina Executive Secretary Paquito Ochoa, Defense Secretary Voltaire Gazmin, dating Philippine National Police chief Alan Purisima, dating Armed Forces of the Philippines chief Gregorio Pio Catapang, dating Interior secretary Mar Roxas, dating PNP officer-in-charge Leonardo Espina at Social Welfare Secretary Dinky Soliman.

Aniya, itatanong niya ang mga katanungan na kanyang isinumite noong nakaraang taon sa unang pagdinig ng kaso na hindi ginamit ng kanyang mga kapwa senador.

Nais rin niyang maliwanagan kung ano ang rason sa pagpunta ng pangulo sa Zamboanga City noong Enero 25, 2015.

Aniya, “May importanteng official business ba siya sa Zamboanga upang iwanan ang family affair na iyon na tungkol sa nanay niya?”

Dagdag ni Enrile, “Ngayon noong nandoon na siya sa Zamboanga, alam ba niya ang nangyayari? Wala siyang imik e. Palagay ko naman ang taumbayan gustong malaman iyon.”

Una nang sinabi ni Aquino na may bahid ng paghihiganti at “politically-motivated” ang muling pagbukas ng kaso dahil galit sa kanyang administrasyon si Enrile.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *