Friday , November 15 2024

Palasyo duda sa 100-M Pinoy families lubog sa hirap

HINDI kombinsido ang Malacañang sa pahayag ng National People’s Coalition na may 100 milyong pamilyang Filipino ang lubog pa rin sa kahirapan sa kabila nang ibinabandera ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na economic growth sa bansa.

Sinabi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) Undersecretary Manolo Quezon III, lahat ay umaaming may kahirapan sa bansa ngunit ang mahalaga ay kung tuloy-tuloy ang pag-angat ng kabuhayan.

Ayon kay Quezon, nasa 4.4 milyong households ang nakikinabang sa conditional cash transfer (CCT) at halos 1.55 milyon sa kanila ang nakaangat na mula sa kahirapan.

“You can look at the glass as half-empty or half-full. Lahat tayo umaamin na mayroong kahirapan sa ating bayan. The question is tuloy-tuloy ba ang pag-angat ng mga kababayan natin? As I mentioned this morning sa ating opening statement, we’ve been able to show that 4.4 million households are benefiting from CCT and almost 1.55 million of them have been lifted out of poverty, and that’s just a preliminary estimate,” ani Quezon.

Kaya nagsisilbi aniya ang nakikitang mga pag-unlad gaya ng dumaraming restaurant at lumalakas na kakayahang makabili, bilang inspirasyon para pagbutihin pa ang mga programang nakatutulong sa mahihirap.

“Makikita rin sa ating kapaligiran, if you go to the vicinity of the UP Town Center, it’s part of a growing economy na napakaraming mga restaurant. And (as) much as nagdedebate tayo tungkol sa mga bagay katulad ng traffic, it’s really true that you can afford a lot more things today than yesterday,” wika ni Quezon.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *