Binay na-boo sa Cebu City
Hataw News Team
January 18, 2016
News
SINIGAWAN ng boo si Vice President Jejomar Binay sa pagdiriwang ng Sinulog Festival sa Cebu City, iniulat kahapon.
Tinatayang 10,000 tao ang nasa loob ng Cebu City Sports Center nang siya’y ipakilala ni suspended Mayor Mike Rama para sa pormal na pagbubukas ng Sinulog Grand Parade pasado 9:00 a.m. kahapon.
Lalo pang lumakas ang boo nang tumayo si Binay para magbigay ng talumpati.
Dahil dito, tanging ginawa ng bise presidente ay bumati ng magandang umaga sa sinabing Viva Pit Senyor!
Kasama ni Binay, standard bearer ng United Nationalist Alliance ang kanyang running mate na si Sen. Gringo Honasan at senatorial candidates Princess Kiram, Alma Moreno at abogadong si Harry Roque, at ang anak na si dismissed Makati City Mayor Junjun Binay.
Sumang-ayon ang ilang netizens sa nangyari.
Ayon kay EF Hidalgo ng Muntinlupa City, deserving si Binay sa nangyari dahil sa ginawang pang-iinsulto sa talino ng mga Pinoy sa kanyang nognog political ads.Hindi aniya mayorya ng mga Pinoy ay magnanakaw, hindi rin corrupt at walang hindi maipaliwanag na yaman o sa madaling salita ay hindi katulad ng reputasyon ni Binay at ang mga Cebuano ang nagbigay sa kanya ng matinding pahayag na hindi sila ang klase ng Nognog na si Binay.
Ayon kay Timothy Alampay, hindi na natuto ang UNA nang mag-walk out ang mga Cebuano sa speaking engagement ni Binay ilang buwan na ang nakararaan sa Cebu Coliseum. Katwiran noon ng tagapagsalitang si Salgado, hindi kinaya ng mga tao ang init sa lugar. Ngayon ay hindi na importante kung may partidong sangkot sa nangyari dahil malinaw itong mensahe na hindi tama ang mga resulta ng political survey at hindi ito ang dapat na maging gabay sa pagboto ng kandidato.
Sinabi ng isang Chris Ruiz, hindi welcome si Binay sa Cebu.
Wala pang pahayag ang kampo ni Binay hinggil sa pangyayari.