Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Si Liza Soberano ba o si Nadine Lustre ang bagong Darna?

111015 nadine lustre liza soberano

00 Alam mo na NoniePATULOY pa rin ang espekulasyon ng marami kung sino ba talaga ang gaganap na Darna. Sari-sari ang naglalabasang balita kung sino ang susunod na Darna.

Unang balita ay pinagpipilian daw sina Liza Soberano at Sofia Andres. Tapos, bukod sa dalawang Kapamilya aktres, lumutang din ang pangalan nina Maja Salvador at Nadine Lustre.

Sa ginawang survey ng Push.com noong nakaraang November, si Nadine ang naging numero unong choice para maging Darna. Sumunod dito si Liza at pumangatlo naman ang star ng Pangako Sa ‘Yo na si Kathryn Bernardo.

Pero, may nagbulong sa akin na sina Nadine at Liza na lang daw ang pinagpipilian ngayon para maging Darna. Parehong malakas ang hatak ng dalawang young stars sa fans, kaya mukhang totoo ang tsikang ito.

Sa isang ulat, ipinahayag ni Liza na game naman daw siya sakaling mapiling maging Darna. May mga tumatawag na nga raw na Darna sa magandang talent ni katotong Ogie Diaz.

“I see the things that are (happening) online but nobody has really approached me about it so I don’t really know,” wika ni Liza.

Dagdag pa niya, “Yes, I’d take it, I’d accept it and work hard on it. My body is not flattering yet.”

Base naman sa nasagap naming balita, sa latest interview kay Direk Erik Matti na siyang magiging direktor ng Darna, ipinahayag niyang wala pang napipiling Darna. Ito’y matapos sabihin ni Angel Locsin na hindi na niya kayang gampanan ang pagiging Darna dahil sa kanyang back problem.

Anyway, sa nagdaang Metro Manila Film Fest ay mas lalong na-curious ang madlang people nang ipakita ang trailer nito. Actually, kami ay namangha at na-excite dahil napaka-impressive ng teaser ng Darna. Although siyempre, tulad din ng marami ay curious kaming malaman kung sino ba talaga ang gaganap na Darna.

Si Liza ba o si Nadine ang susunod na sisigaw ng Darna!?

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …